ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Tahanan ng dating Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl, ipasisilip sa 'Powerhouse'

Busy na sa pagpapatawa si Jen Rosendahl sa Pepito Manaloto ngayon, pero parang kailan lang noong nagpapaseksi siya sa mga pelikula. Binansagang "Bad Girl ng Viva Hotbabes” si Jen dahil sa dami ng nakaaway niya sa showbiz, pero sadyang prangka at palaban lang daw ang half German na sexy star. Ngayong naghahanda na siyang maging ina, ano kaya ang masasabi ni Jen sa dati niyang wild child days? May baon pa ba siyang chismis sa kanyang mga kapuwa Hot Babes?
Bata pa lang ay gusto na raw ni Jen na maging artista pero ang pagpapaseksi ang naging daan niya para makilala. Bumukadkad sa showbiz ang sexy at sosyal na girl group nang maging laman ng ilang men's magazine at nakilala pa sa mga pinasikat na kanta. Pero dumating ang panahon na lumamlam ang career ng grupo, at nagkanya-kanya sila ng landas.


2003 nang makilala ni Jen ang kaniyang asawang si Jules sa Cebu. Halos sampung taon silang magnobyo bago ikasal. Ang araw na dapat na pinakamasaya kay Jen ay isa sa pinakamalungkot niyang naranasan. Isang araw bago ang kasal ay inatake sa puso ang kanyang ama at isinugod sa ICU. Nag-iisang anak lang si Jen at sobrang lapit sa kaniyang mga magulang kaya muntik nang ipagpaliban ang kanilang kasal noon.
Sa isang townhouse sa Quezon City nakatira si Jen ngayon kasama ang kanyang asawa at ina. Dati na silang nakatira rito pero pansamantala silang umalis nang namatay ang ama ni Jen noong nakaraang taon. Bukod sa master's bedroom ay may kuwarto rin ang kanyang ina at may nursery para sa paparating na anak nina Jen.


Ang kaniyang asawang si Jules ang mahilig daw sa paintings kaya naman nagkalat ito sa kanilang bahay. Ang pinakapaborito naman ni Jen ay ang obra ni Ivan Acuña na matatagpuan sa kanilang living room. Kaibigan din ng asawa ni Jen si Kenneth Cobonpue kaya meron silang mga gawa ng sikat na furniture designer katulad ng kanilang dining set. Isang Cobonpue stool naman ang regalo kay Jen ng kaniyang asawa na makikita naman sa kanilang kuwarto. May opisina rin sa loob ng kanilang tahanan at dito makikita ang miniature car collection ni Jules. Ang ilan sa mga kotse rito ay nagkakahalaga ng halos tatlumpung libong piso kada isa.

Pet lover si Jen mula pagkabata. May limang aso at tatlong pusa siyang inaalagaan ngayon. Ipakikilala rin niya ang alaga niyang rotweiler. Dati rin siyang nag-aalaga ng exotic animals gaya ng sawa at iguana. Para na nga raw zoo ang kaniyang bahay kung pagsasama-samahin ang lahat ng mga hayop na ito.

Pet lover si Jen mula pagkabata. May limang aso at tatlong pusa siyang inaalagaan ngayon. Ipakikilala rin niya ang alaga niyang rotweiler. Dati rin siyang nag-aalaga ng exotic animals gaya ng sawa at iguana. Para na nga raw zoo ang kaniyang bahay kung pagsasama-samahin ang lahat ng mga hayop na ito.
Retirado na sa pagpapaseksi si Jen pero hindi sa pag- aartista. Sa ngayon ay marami ang naaliw sa karakter niya sa Pepito Manaloto bilang yaya na walang emosyon pero sa totoong buhay naghahanda na rin siya sa pagiging yaya ng kanyang sariling anak. Dahil limang buwang buntis si Jen ay may ibabahagi siyang tips para mapanatiling makinis ang balat at maiwasan ang stretch marks. Samahan din siya sa kanyang pagyoyoga na makakatulong din para maging relaxed at stress free ang pagdadalang-tao.
Dadalhin rin tayo ni Jen sa kanilang resthouse. Ipasisilip ni Jen ang kanilang bahay-bakasyunan at ipakikita ang mga paboritong lugar niya rito.
Ngayong Miyerkules, samahan si Kara David na libutin ang bahay at silipin ang buhay ni Jen Rosendahl sa Powerhouse.
More Videos
Most Popular