ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tahanan nina Chef Boy Logro at Tapsilog Queen Vivian del Rosario, tampok sa 'Dream Home'


 


 


Dating tagahugas ng pinggan, naging personal chef ng sultan ng Oman si Chef Boy Logro kahit Grade 6 lang ang natapos. Gayunman, sa mga kusina sa iba’t ibang bansa niya natutunan ang paraan para maging tunay na idol sa kusina. Pag-uwi sa Pilipinas, kinilala si Chef Boy bilang highest paid Pinoy Chef  at first Pinoy Executive Chef.

 


Ang kanyang apat na ektaryang lupain sa Compostela Valley ang kanyang ipapasilip kung saan siya’y nagpatayo ng mini-baranggay kung saan may kooperatiba, simbahan at eskuwelahan.

 


Dito, tahimik ang buhay ni chef Boy at ng kanyang pamilya. Si Chef Boy mismo ang namimitas ng mga bunga sa bukid at namalengke ng mga rekado ng kanyang lulutuin. Gamit ang sariling bus, papasyalan ni Chef Boy ang mga ari-arian sa Compostela Valley.

 


Kung si Chef Boy naging paaralan ang iba’t ibang kusina, ang Tapsi Queen na si Vivian del Rosario sa sariling karinderia nagsimula ang recipe ng pinapangarap na tagumpay. Paano nga ba naging mala-reyna si Vivian sa pagluluto ng sinangag, itlog at tapa?

 

Sa pagkakarenderya naipundar ni Vivian ang kanyang bahay na may lawak na 279 square meters sa Pasig at isang sampung ektaryang weekend getaway sa Antipolo.  Mga kagamitang yari sa kahoy ang makikita sa loob ng kanilang weekend house na dinisenyo ng kanyang panganay na anak. Gawa sa narra ang mga upuan at lamesa at lahat daw inassemble mismo sa bahay na ito. Ang 16-seater na upuan sa sala ang paborito raw na tambayan ng buong pamilya. Bukod sa bahay, matatagpuan din dito ang mini zoo ng pamilya na ideya naman ng kanyang asawa. May ostrich, tupa, kalapati, baka at baboy na inaalagaan sa kanilang farm.

 


Isang masarap na putahe ang ihahain ng Dreamhome ngayong Biyernes ng umaga. Kasama ang mga idol natin sa kusina sina Chef Boy Logro at ang Tapsi Queen na si  Vivian del Rosario, aalamin ni Kara David ang sikretong sangkap ng mga taong nagtagumpay sa kusina at sa karera na kani-kanilang tinahak.

 


Abangan ang Dream Home ngayong Biyernes, 10:30am sa GMA.

Tags: pr