ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

CURACHA: Ang nanay na walang pahinga, handog ng 'Reel Time' sa Araw ng mga Ina

 



Airing date: May 10, 2015



Walang pinipiling oras ang pagiging ina.

Pitong taon na ang nakararaan nang matanggap ni Mommy Arlene ang pinakamagandang biyaya sa kaniya: ang pagiging ganap na ina. Kaya naman kahit iisa ang katawan niya, hindi niya iniinda ang hirap at pagod ng higit sa isang trabaho. Naturingan nga siyang "curacha" dahil halos kulang ang beinte-kuwatro oras para sa sangkatutak niyang "raket" o trabaho para kumita:

Curacha = pulis + negosyante + cook sa catering + call center agent + full-time mom

Sa kabila ng mga ito, hindi pa rin nawawalan ng oras si Mommy Arlene para tutukan ang pag-aalaga sa dalawa niyang dalagita. On call man siya sa trabaho bilang pulis sa umaga at call center agent sa gabi, hindi pa rin ito nagiging hadlang para gampanan ang tungkulin niya sa mga bata.

Isang bagay na nga lang daw ang hindi pa niya natatapos. At tila wala pa rin siyang lakas ng loob para gawin – ang ipaalam sa mga anak niya na hiwalay na sila ng kaniyang asawa.

Ngayong Araw ng mga Ina, handog ng Reel Time ang dokumentaryo tungkol sa isang ekstraordinaryong CURACHA: Ang Nanay na Walang Pahinga, ika-10 ng Marso, Linggo ng gabi, pagkatapos ng Idol sa Kusina, sa GMA NewsTV Channel 11.

Para makisali sa diskusyon online, sundan kami sa aming mga social media accounts at gamitin ang #PAnaloKaNanay sa inyong mga post.

https://www.facebook.com/reeltimegmanewstv11
https:/www.twitter.com/reeltimedocu
 
 
 

Tags: prstory