Mag-amang matagal na hindi nagkikita, nagtagpo dahil sa isang portrait painting!

REEL TIME PRESENTS PORTRAITS BEHIND BARS
AIRING DATE: MARCH 9, 2019
Gaano nga ba kahirap ang magpatawad? Totoo nga bang kayang tiisin ng anak ang kanilang mga magulang?
Labing-anim na taong pangungulila sa yakap ng mga anak, ito ang larawang maipipinta sa mukha ng amang si Pablo, hindi niya tunay na pangalan. Sa loob kasi ng matagal na panahon, hindi pa niya nakikitang muli ang kanyang pamilya. Kabilang si Pablo sa 26,000 na inmates na nakabilanggo sa New Bilibid Prison.
Para maibsan ang kalungkutan, dinadaan na lang ni Pablo ang lumbay sa pagguhit. Miyembro siya ngayon ng Kulay, isang grupo ng mga visual artist sa Maximum Security Compound ng Bilibid. Sa bawat obra na kanyang ginagawa, dalangin niyang balang araw, maipinta niya rin ang kanyang mga anak.
Lingid sa kaalaman ni Pablo, ipinapinta namin sa kanya ang larawan ng isang binata. Ang hawak pala niyang litrato, ang kanya mismong panganay na anak na si RJ. Limang taon pa lang si RJ nang makulong si Pablo. At sa paglipas ng panahon, tila binuhusan ng pintura ng galit ang kanyang puso. Pakiramdam kasi niya, inabanduna sila ng kanilang ama. Kaya naman maaga siyang namulat sa pagbabanat ng buto bilang siya na rin ang tumayong haligi ng tahanan sa kanyang mga kapatid.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni RJ kapag nakita niya ang portrait painting niya na gawa mismo ng kanyang ama? Lumambot kaya ang kanyang puso?
At matapos ang labing-anim na taon, muling magkikita ang mag-ama. Matutuldukan na rin ang mga tanong na matagal nang gumugulo sa isipan ni RJ. Ano kaya ang tunay na dahilan sa likod ng matinding galit ni RJ sa ama? Mapapatawad pa kaya niya ito? Magkaroon kaya ng bagong kulay ang kanilang kuwento?
Tunghayan ang kuwento ng mag-amang pinaghiwalay ng madilim na nakaraan at muling pagtatagpuin ng mga makukulay na obra sa Reel Time presents Portraits Behind Bars, Sabado, 9:15pm sa GMA News TV 11.
ENGLISH SYNOPSIS
We often attribute forgiveness to words but the sad truth is, not everyone is capable of uttering words drawn from anger and pain. But perhaps there are things in this world that can make up for all the hurt and struggles and make all the grey shades turn in to vibrant tones.
Waiting for an apology that is never coming will only give you a false sense of your worth. This is what Pablo, not his real name, has been feeling from not seeing his family for over 16 years. Pablo is one of the 26,000 inmates restricted inside the New Bilibid Prison.
All the gloom Pablo is feeling is turning to his art whenever he’s feeling blue. He is just one of the members of Kulay, a group of visual artists inside the Maximum Security Compound in Bilibid. In every stroke of his paintbrush and colours mixed in his plate, he hopes that one day, he will be able to paint his children.
Now, Pablo is drawing a young man and little did he know, he’s now on his way of finishing a painting of his first son, RJ. At five years old, RJ had to endure to the pain of being separated from his father. And just like just like any child longing for love, his heart is now filled with dark hues of confusion and abandonment. This is why RJ had to work at an early age for he now stands as a father to his siblings.
This time, RJ discovers a painting of him made by the hands of his father. Can this art make up for all the hurt and struggles brought by separation from each other? And meeting each other after 16 years, will RJ find all the answers he’s been longing to hear? What is the real reason behind RJ’s resentment to his father? Can RJ forgive his father and add another color to their lives?
Discover the story of a father and child separated by their dark past that will once again be bridged by art masterpieces on Reel Time presents Portraits Behind Bars, Saturday, 9:15pm on GMA News TV 11.