Nanay na baldado, inampon ang batang may hydrocephalus

REEL TIME PRESENTS WALANG BIBITIW
AIRING DATE: APRIL 6, 2019
Kaya niyo bang maging magulang sa isang batang may malubhang karamdaman? Hanggang saan din ang kaya niyong isakripisyo para sa anak na hindi naman nagmula sa inyong dugo’t laman?
Sa panahong bumitiw na sa kanyang responsibilidad ang tunay na ina ng batang si Sanjane, ang kanyang tiyahing si Gina na ang tumayo nitong ina. Walong taon nang kinakalinga ni Gina si Sanjane sa bisig ng kanyang pag-aaruga at init ng pagmamahal. Hinding-hindi niya sinukuan ang bata lalo na’t mayroong congenital hydrocephalus si Sanjane. Ang masakit na biro nga sa kanya ng maraming tao, para nga raw siyang kumuha pa ng batong ipupukpok sa kanyang ulo dahil sa bigat ng tungkuling naka-atang sa kanyang mga balikat.
Pero hindi dito nagtapos ang kalbaryo ni Gina, taong 2012 kasi nang naaksidente siya sa ibang bansa at nahulog mula sa bubong. Ang dating masiglang OFW, umuwi ng Pilipinas na parang lanta nang gulay. Bumagsak ang pangangatawan ni Gina at naapektuhan ang kanyang kalusugan, dahilan para siya ay maging paralisado at hindi na tuluyan pang makalakad. Mabuti na lang at katuwang niya sa pag-aalaga kay Sanjane ang partner niyang si Angelito na tumayo namang ama ng bata. Pero tila pilit na binubuwag ang haligi ng tahanan dahil kung noon ay si Sanjane lang ang kanyang buhat-buhat, ngayon ay dumagdag pa sa kanyang tungkulin ang pag-aasikaso sa baldado nang si Gina.
Isang beses kada buwan ay lumuluwas mula Batangas papuntang Quezon City ang mag-asawa para sa check-up ng bunso nilang si Sanjane. Sakay ng wheelchair, kalong siya ni Gina, samantalang si Angelito naman ang nagtutulak sa dalawa. Lahat kaya nilang suungin at patuloy silang kumakapit sa pag-asang madugtungan pa ang buhay ni Sanjane.
Pero makalipas ang walong taong pagsasama ng mag-asawa, tila susubuking muli sila ng tadhana. Si Gina kasi, handa na raw bitawan at pakawalan si Angelito. Ano nga kaya ang nagtulak kay Gina para tuldukan na ang relasyon nilang dalawa? At paano makaka-apekto kay Sanjane ang mabigat na desisyong ito?
Walang bibitiw sa pagtutok sa isa na namang naka-aantig na dokumentaryo sa Reel Time presents Walang Bibitiw, Sabado, 9:15 ng gabi sa GMA News TV 11.
ENGLISH SYNOPSIS
It’s easy to admire a child with a pretty face, who’s wearing a pretty smile and clean clothes. But it takes a deep sense of regard to love a child gifted with a disability and a great deal more to be a parent to her.
When the mother of Sanjane let go of the responsibility of taking care of her child, her aunt Gina, assumed the role of a parent to the baby. It has been 8 years when she decided to raise the child like her own which has been a tough challenge for her and his partner, Angelito who stood by their love and help her nurture Sanjane. It is extremely difficult to raise a child with special needs but it is a brave choice to be saddled with a big responsibility that rarely anyone shoulders.
But the water in the Gina’s sea of life is getting rough. In 2012, she got into an accident when she fell from the roof of the apartment she was working in in Dubai. When she came back to the Philippines, a wheelchair was carrying her crippled and frail body, weeks after she left. Now, Angelo was left with no choice but to sweat and double his effort because he’s facing a bigger responsibility to provide the needs of Sanjane and attend to his duties as husband to his now disabled wife.
Angelito and Gina regularly bring Sanjane from Batangas to Quezon City for her monthly check-up. The husband pushes his wife while the child is on her lap as they get inside the hustle and bustle of the metro. Armed with their courage and love for the child, they are prepared and more than willing to sacrifice everything to extend the life of their exceptional daughter.
But eight years of conquering, Angelito and Gina has yet to face the biggest challenge to their relationship. Gina, is now ready to let go of Angelo after the latter made choices in his life that pushed her to this decision. But how will their choices and decisions affect the main reason they are together--- their daughter Sasnjane?
Have your heartstrings pulled in by Reel Time presents Walang Bibitiw, Saturday, 9:15pm on GMA News TV 11.
