Panganib na hatid ng milktea, alamin!

REEL TIME presents MILK TEA IS LIFE
AIRING DATE: JUNE 15, 2019
SYNOPSIS
Ano ang blood type niyo mga Kapuso? O, A, B o AB? Biro ng iba, wala sa mga ito ang sagot dahil ang nananalaytay daw sa mga ugat nila ngayon --- milk tea! Talaga namang milk tea is life para sa mga nahuhumaling ngayon sa inuming ito!
Kaliwa’t kanan na nga ang mga nagsulputang milk tea shop ngayon at kanya-kanya na rin silang mga paandar para lang mas bumenta sa mga suki nila. Milk tea na ice cream o ice cream na milk tea? Kung hindi nga raw kayo makapamili, bakit hindi raw tikman ang milk tea swirl sa Quezon City? Perfect daw ito lalo na sa mainit na panahon sa Pilipinas.
Siguradong hindi naman daw kayo mabibitin sa ibinibidang milk tea sa Mandaluyong dahil de-tower ang size ng kanilang inumin. Kasya na raw ito sa pitong tao at ang pulutan, ano pa ba kundi ang mga sinker gaya ng pearl at nata de coco! Pero kung walwalan talaga ang trip niyo, meron din namang nauusong bersyon ngayon ng milk tea na may halong alak?! Hindi lang daw ito para sa mga bagets kundi swak din sa mga oldies na trip ma-tipsy!
Pero hinay-hinay lang sa pag-inom ng milk tea dahil ayon sa mga nutritionist, isang cup of large milk tea lang daw ang kanilang inirerekomendang inumin kada linggo. Guilty diyan si Xyzha, 7x a week kasi siya kung uminom ng milk tea. Pero sabi nga, lahat ng sobra ay masama. Si Xyzha kasi isinugod sa ospital dahil sa kanyang acid reflux at ang isinisising dahilan --- ang labis niyang pag-inom ng paboritong milk tea.
Tsaa nga raw ang most consumed beverage sa buong mundo pero kung tutuusin hindi naman tea lover ang mga Pilipino pero paanong nahuli ng milk tea ang ating mga panlasa? At gaano pa kaya ka-pamilyar ang mga kabataan ngayon sa lasa ng mga Pinoy tsaa?
Ihanda na ang inyong mga sweet tooth at piliting hindi mag-crave dahil babaha ng milk tea at mga tsaa sa Reel Time presents Milk Tea is Life, ngayong Sabado, 9:15 pm sa GMA NewsTV, sa bagong channel 27!
