Panganib sa buhay ng mga maninisid ng scallops ng Gigantes Islands, alamin!

REEL TIME presents PIKING
July 26, 2019
Biyernes, 7:15pm
GMA News TV
Hindi lang magagandang beaches, islands, at mga kuweba ang ipinagmamalaki ng Gigantes Islands, isang sumisikat na travel destination sa Northern Iloilo. Kasama na rito ay ang malinamnam at sariwang mga scallops!
Pero habang ine-enjoy ng mga turista ang mga masarap at murang lamang dagat, hindi nila alam na ang pagkuha nito ay buwis buhay. Katunayan, dahil sa pagsisid ng scallops gamit ang air compressor, ilang mga kalalakihan ang tinamaan ng decompression sickness o kung tawagin sa kanila ay “PIKING”.
Pero sa kabila ng peligrong kinakaharap, at kahit na na-Piking na, Si Argie at si Mars ay patuloy na sumisisid para sa kani-kanilang pamilya, dahil sila lamang ang maaasahan at iyon lamang ang kanilang tanging alam na hanapbuhay.
Ang mga pagsubok sa buhay ng mga maninisid ng scallops ng Gigantes Islands, tunghayan sa Reel Time presents Piking, Biyernes 7:15 ng gabi sa GMA News TV.