'Reel Time' presents 'Ang Tahanan ni Nanay Eden'

REEL TIME presents ANG TAHANAN NI NANAY EDEN
Airing Date: January 17, 2020
SYNOPSIS
The art of letting go --- ito raw ang dapat matutunan ng ilaw ng tahanan na si Eden. Santambak at sandamakmak kasi ang mga gamit niya sa bahay, mula sa mga disposable spoon and fork, mga lumang appliance, karton, bote, plastic at kung anu-ano pa! Ang kanilang dalawang palapag na bahay, punong-puno na ng mga gamit na inipon niya sa loob ng halos apat na taon!
Biro nga ng kanyang asawa, para na raw silang paniki kung matulog dahil sa kapirasong espasyo sa kanilang tulugan. Pero para sa kanyang limang anak, dapat daw seryosohin ang malalang problema ni Nanay Eden sa pagkokolekta ng mga bagay. Ito na rin kasi ang naging dahilan para umalis na sa kanilang tahanan ang apat niyang anak. Samantalang ang bunso naman nila, dinapuan na rin ng sakit!
Para matulungan si Nanay Eden, pumayag siyang kumonsulta sa mga eksperto. Matanggap niya kaya nang buong puso ang paliwanag ng isang psychologist?
At to the rescue na rin ang mga professional cleaners. Pero mukhang magkakaproblema sila, dahil sa bawat tapon nila ng mga basura ay siya namang dampot ni nanay. Pero itapon na raw ang lahat, huwag lang ang mga lumang gamit sa eskwelahan at mga test paper ng kanyang mga anak. Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit hindi ito mabitawan ni Nanay Eden?
Posible pa kayang luminis ang kanilang tahanan? Maayos din pa kaya ang patong-patong na problema ng kanilang pamilya?
Bagong taon pero makapagbagong buhay at bagong bihis ng bahay si Nanay Eden? Abangan ‘yan sa Reel Time presents Ang Tahanan ni Nanay Eden, 7:15 ng gabi, Biyernes sa GMA News TV.