ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pinoys in death row and Juan Ponce Enrile
Episode on November 25, 2008 Tuesday night after Saksi Pinoys in death row Report by Maki Pulido Just last month, overseas Filipino worker Jennifer Bidoya was beheaded in Saudi Arabia for allegedly killing his Arabian employer. Aside from him, thousands of Filipinos are languishing in jails in different countries with over thirty of them in death row. Their condition remains uncertain and there is no assurance that they will be spared. What is the government doing to save these Filipinos awaiting possible execution? Juan Ponce Enrile Report by Jiggy Manicad After a senate coup which resulted in Sen. Many Villar resigning from his post, Sen. Juan Ponce Enrile has become the new Senate President. His experience and involvement in Philippine politics and government span decades. A known Marcos ally, he played a crucial role in the dictatorship. But his involvement in the 1986 People Power revolution brought him back to the good graces of the people. However, critics say Sen. Enrile is just other traditional politician who knows how to play the game, going where the power is. He has been known as a staunch opposition figure before who has since sided with the administration. As political observers say, at 84 years old, Enrile may have reached the height of his political career. Will he remain beholden to the game of politics?
Mga Pinoy sa death row Report ni Maki Pulido Noong nakaraang buwan, pinugutan ng ulo sa Saudi Arabia ang overseas Filipino worker na si Jennifer Bidoya dahil umano sa pagpatay sa kaniyang amo. Bukod sa kaniya, libu-libong Pinoy pa ang nakapiit sa mga kulungan sa iba't ibang panig ng mundo kung saan mahigit tatlumpu sa kanila ang nasa death row. Walang katiyakan kung maisasalba sila o matutulad na lang sa sinapit ng mga kababayan nating nasintensiyahan ng parusang bitay. Sa gitna ng kalagayang ito, sapat ba ang inaabot na tulong at suporta ng pamahalaan sa mga tinaguriang bagong bayani na ngayo'y nahaharap sa posibleng kamatayan? Juan Ponce Enrile Ulat ni Jiggy Manicad Matapos ang kudeta sa Senado, nagbitiw sa posisyon si Sen. Manny Villar at naluklok bilang bagong Senate President si Sen. Juan Ponce Enrile. Malawak ang kaniyang karanasan at naging bahagi sa kasaysayan ng pulitika sa bansa. Isang kilalang taga-suporta ni dating Pangulong Marcos, malaki ang kaniyang naging papel noong panahon ng diktadurya. Naging maingay ang pangalan niya nang tumiwalag siya sa dating Pangulo at sinuportahan ang People Power revolution. Pero ayon sa mga kritiko, walang pinagkaiba si Enrile sa mga sinasabing traditional politician na marunong sa laro ng pulitika at kadalasang nakapanig sa may kapangyarihan. Kilala siyang miyembro ng opposition noon hanggang pumanig siya sa administrasyon. Sa edad na 84, naabot na raw ni Enrile ang tuktok ng kaniyang panunungkulan. Mananatili ba siyang manlalaro ng pulitika?

Tags: reportersnotebook
More Videos
Most Popular