ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Balik-tanaw
Airing on December 23, 2008 Tuesday night after Saksi Pinays for Export, Lunok Droga and Tawi-Tawi Rewind Isang Pamaskong Pagbabalik-Tanaw ng Reporter's Notebook For its Christmas presentation, Reporter's Notebook takes a second look at three of its remarkable stories this year. Last August on its fourth anniversary, a comprehensive discussion on sex trafficking in Asia was tackled. In "Pinays for Export: The Sex Trafficking Trail in Asia," Maki Pulido witnessed the condition of trafficked Filipinas in different parts of Sabah, Malaysia. Meanwhile, in his journey to Hongkong and Macau, Jiggy Manicad documented the bitter experiences of Filipinas who were also forced into sex slavery. A rescue operation later followed which reunited a trafficked victim to her family in the Philippines. Together with their segment producers and videographer, Maki and Jiggy recount how they produced the story despite problems and limitations encountered during production. In September, Reporter's Notebook and GMA News also aired a story on drug mules, an expose on Filipinos used as drug couriers by international syndicates. Find out how Reporter's Notebook got hold of the story and how they went all the way to Kuala Lumpur, Malaysia to document how the leader of the drug syndicate was arrested. Lastly, Jiggy and Maki share tales of men, women and children coping with poverty in the southernmost part of the country, Tawi-Tawi.
Pinays for Export, Lunok Droga at Tawi-Tawi Rewind Isang Pamaskong Pagtatanghal ng Reporter's Notebook Sa pamaskong pagtatanghal ng Reporter's Notebook, balikan ang tatlong natatanging kuwentong inilahad ngayong taon. Bilang handog para sa ikaapat na taon nito sa himpapawid, isang komprehensibong pag-ugat sa problema ng sex trafficking ang tinalakay ng Reporter's Notebook, ang "Pinays for Export: The Sex Trafficking Trail in Asia." Nasaksihan dito ni Maki Pulido ang kalagayan ng maraming Pinay sa iba't ibang isla sa Sabah, Malaysia. Sa Hongkong at Macau naman, naidokumento ni Jiggy Manicad ang kuwento ng ilang Pinay na nasasadlak din sa parehong kalagayan. Isang rescue operation ang isinagawa upang maibalik sa bansa ang isang Pinay na biktima ng trafficking. Kasama ang kanilang segment producers at videographer, isasalaysay nina Maki at Jiggy ang mga pinagdaanan nila sa pagbuo ng istorya. Noong Setyembre naman, sa pakikipagtulungan ng GMA News, isang expose ang inilahad ng Reporter's Notebook, ang "Lunok Droga," isang kuwento ng mga drug mule o mga Pinoy na ginagamit bilang couriers ng international drug syndicates. Sa pamamagitan ng paglunok, itinatawid ang droga sa iba't ibang panig ng mundo. Alamin kung paano nakuha ng Reporter's Notebook ang balitang ito at bumiyahe kasama si Jiggy sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan tinugis at napabagsak ang isang malaking sindikato. Tunghayan din ang kuwento ng mga residente ng Tawi-Tawi na dumaranas ng matinding kahirapan.

Tags: reportersnotebook
More Videos
Most Popular