ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Controversies and Scandals of the Arroyo Administration"


Episode on June 29, 2010 Tuesday after Saksi!
MGA KONTROBERSYA AT ESKANDALO NG ADMINISTRASYONG ARROYO Report nina Jiggy Manicad at Rhea Santos
Sunod sa mahigit dalawang dekadang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang pinakamatagal na umupong Pangulo ng bansa. Siyam na taon siyang umupo sa kapangyarihan. Matapos mailuklok sa puwesto noong 2001 bunsod ng makasaysayang EDSA Dos, muli siyang nakakuha ng panibagong anim na taon nang manalo bilang Pangulo noong 2004. Pero hindi naging madali ang siyam na taon ng Pangulo. Sa loob ng halos isang dekadang pamumuno, ilang malalaking eskandalo ang naganap at yumanig sa kanyang termino. Ang mga eskandalong "Hello Garci", Jose Pidal at Juetengate ay ilan lang sa mga sumubok sa katatagan ng kanyang gobyerno. Hindi rin nilubayan ang administrasyong Arroyo ng mga alegasyon ng katiwalian gaya ng fertilizer scam, NBN-ZTE at Northrail project. Sa kanyang pamamaalam, ano ano ang kinahinatnan ng mga eskandalo at kontrobersiyang yumanig sa kanyang administrasyon? Paano dapat tugunan ng susunod na administrasyon ang mga isyung ito?