ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Miscommunication Group?","Frat Wars" and "Abandoned Children"


Episode on October 5, 2010 Tuesday after Saksi! MISCOMMUNICATION GROUP? Report ni Rhea Santos Upang mas maayos na maipalaganap ang mga anunsiyo at impormasyon sa publiko, binuo ang Communications Group ng Palasyo na pinamumunuan nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dating Transportation and Communications Undersecretary Herminio Coloma at dating news anchor Ricky Carandang. Pero sa halip na maging matiwasay ang takbo ng trabaho, pinupunang tila hindi raw organisado ang grupo. Maayos nga ba silang nakakapagtrabaho? FRAT WARS Report ni Jiggy Manicad Noong nakaraang linggo, sumiklab ang kaguluhan sa huling araw ng bar examinations sa Maynila. Ang pinaghihinalaang gulong nag-ugat sa mga fraternity, naglagay sa peligro sa buhay ng ilang tao. Bakit hanggang ngayon, nasasangkot sa karahasan ang mga kapatiran? ABANDONED CHILDREN Report ni Maki Pulido Batang iniwan sa basurahan, eroplano o sa lansangan. Hindi na bago ang makarinig ng mga balitang gaya nito. Pero ang higit na mas nakababahala ayon sa tala ng Department of Social Welfare and Development, dumarami ang naitatalang bilang ng mga inaabandonang bata ng kanilang mga magulang. Saan nagmumula ang problema at paano ito tinutugunan ng gobyerno?