ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Cong. Jules Ledesma, Breast Cancer and Sweatshops"


Episode on October 12, 2010 Tuesday after Saksi! ABSENT SI CONGRESSMAN? Report ni Rhea Santos Kilala siyang galing sa mayamang angkan sa Negros. Katunayan, pangatlo siya bilang pinakamayamang kongresista -- si Rep. Jules Ledesma IV, ang kinatawan ng Unang Distrito ng Negros Occidental. Siya rin daw ang nangunguna pagdating sa may pinakamaraming pagliban sa Kamara. Sa isang ekslusibong panayam, sasagutin ni Rep. Ledesma ang mga isyung ipinupukol sa kanya. BREAST CANCER Report ni Maki Pulido Sa Asya, nangunguna ang Pilipinas sa mga kaso ng breast cancer, pang-siyam naman sa buong mundo. Sapat naman ba ang mga programa ng pamahalaan para ibsan ang paghihirap ng mga tinamaan ng nakababahalang sakit na ito? SWEATSHOP? Report ni Jiggy Manicad Sapat na benepisyo at umento sa suweldo. Ilan lamang ito sa ipinaglalaban ng mga manggagawa. Sa kabila nito, hindi maikakailang may mga nakararanas pa rin ng hindi maka-taong kalagayan sa trabaho. Sa isang pabrika sa Bulacan, may mga naputulan ng daliri at namatay dahil sa peligrosong trabaho. Paano tinutugunan ng mga otoridad ang kaligtasan ng mga manggagawa?