Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

VIZCONDE MASSACRE: After 20 Years


Episode on July 5, 2011 Tuesday after Saksi!
VIZCONDE MASSACRE: 20 YEARS, TWO FACES OF JUSTICE Report by Maki Pulido
It is one of the most controversial cases in the country’s history, the most shocking crime in the 90s – the Vizconde Massacre. The public and the media continue to watch as the years go by - from the discovery of the crime scene, arrest of the suspects, filing of the case and its lengthy judicial process leading to the dismissal of charges against the accused and their freedom. Last week, the Department of Justice presented the results of its reinvestigation, which include six new witnesses and evidences that would prove that the primary accused, Hubert Webb, never left the country when the crime happened. But the principle of double jeopardy makes it impossible for Hubert and the group to be implicated again in the case. Some say that the Vizconde Massacre case reflects the justice system of the country. However, after 20 years, there are still more questions than answers. Will the truth ever be told? Will justice still prevail?
SOCIAL NETWORKING CRIMES Report by Jiggy Manicad
Crime rate stemming from social networking websites is on the rise. Is the public protected by the law and the authorities against these crimes?
VIZCONDE MASSACRE: DALAWAMPUNG TAON, DALAWANG PANIG NG KATARUNGAN Ulat ni Maki Pulido
Isa ito marahil sa pinakamaingay at pinakakontrobersyal na kaso sa kasaysayan, ang pinakamalaking krimen ng dekada nubenta -- ang Vizconde Massacre. Mula sa pagputok ng krimen, pagtugis sa mga umano'y salarin, pagsampa ng kaso hanggang sa paglaya ng mga akusado, mainit itong sinundan ng media at publiko. Noong nakaraang linggo, inihayag ng Department of Justice na may hawak silang mga bagong testigo at ebidensiyang magpapatunay na nasa bansa umano ang itinuring na pangunahing akusado sa krimen, si Hubert Webb. Gayunman, dahil sa prinsipyo ng tinatawag na double jeopardy, hindi na raw sila maaaring kasuhan pa. May mga nagsasabing ang kaso ng Vizconde Massacre ay sumasalamin sa hustisya sa bansa. Pero sa loob ng dalawampung taong itinagal at itinakbo ng kaso, bakit tila mas maraming katanungan ang naiwan? Lalabas pa ba ang buong katotohanan at maigagawad ang tunay na katarungan?
SOCIAL NETWORKING CRIMES Ulat ni Jiggy Manicad
Sa mga nakalipas na araw, sunud-sunod ang mga krimeng nag-ugat sa social networking websites. Sa kabila ng dumaraming bilang ng mga kasong ito, nakasasabay ba ang batas at otoridad para protektahan ang publiko?