ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Lupang Pangarap at Pekeng Gamot sa Reporter's Notebook
LUPANG PANGARAP Ulat ni Jiggy Manicad Sa lawak na mahigit limang libong ektarya, ang Hacienda Luisita sa Tarlac ay itinuturing na pinakamalaking hacienda sa buong bansa. Sinlawak daw nito ang pinagsamang sukat ng Maynila at Makati. Sa loob ng ilang dekada, isa ito sa pinaka-pinag-usapan at pinaka-pinagtalunang lupang agraryo. Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng Korte Suprema ang pamamahagi ng lupa sa mahigit anim na libong magsasaka. Sagot na nga ba ito sa matagal nang ipinaglalaban at lupang inaasam ng mga magsasaka? PEKENG GAMOT Ulat ni Maki Pulido Sa pag-aaral ng Food and Drug Administration, isa sa bawat sampung gamot sa merkado ay peke o tinatawag na counterfeit drugs. Ang nakababahala, ilan sa mga gamot na ito, talamak na ring ibinebenta ngayon online. Kasabay sa paggunita ng National Consciousness Week Against Counterfeit Medicines, bakit patuloy ang paglaganap ng ilegal na kalakarang ito? Paano nga ba ito tinutugunan ng mga kinauukulan?
More Videos
Most Popular