ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Best of Exposés sa 'Reporter's Notebook' Yearend Report
REPORTER'S NOTEBOOK BACK-TO-BACK YEAREND REPORTS
December 27, 2011 and January 3, 2012
Best of Exposés
SEX, DRUGS, CRIMES Airing date: January 3, 2012
Sex, drugs, crimes. Mga problema ng nakaraan na patuloy nangyayari sa kasalukuyan. Patuloy na bumibiktima at nananamantala sa marami nating kababayan. Sa paglipas ng taon, sa halip na maibaba, mas nakababahala pa raw ang sinasabing paglala ng mga problemang ito.
Pagdating sa prostitusyon, pang-apat na ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng prostituted children sa mundo, ayon sa Child Protection Unit. Nakababahala rin ang naging epekto ng iligal na droga sa ilan nating kababayan ngayong taon. Apat na Pilipino ang binitay sa pamamagitan ng lethal injection sa bansang China dahil sa pagpupuslit ng droga. Sa kasalukuyan, nasa mahigit pitong libong Pilipino pa ang nakakulong sa iba't-ibang panig ng mundo dahil sa mga kaso ng iligal na droga. Sa Pilipinas, sinasabing laganap na ang bentahan ng droga sa internet. Bagamat bumaba ang overall crime rate sa bansa, tumaas naman ang kaso ng carnapping at insidente ng riding in tandem. Marami sa mga krimen ngayon, mabilis na ring ipinalalaganap online.
Sa ikalawang bahagi ng pagbabalik-tanaw ng Reporter's Notebook sa taong 2011, balikan ang mga isyu ng prostitusyon, droga at krimen na patuloy na kumalampag sa mga kinauukulan.
Tags: plug
More Videos
Most Popular