ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Misteryosong kamatayan ng mga OFW sa Reporter's Notebook
REPORTER'S NOTEBOOK Airing date: March 6, 2012 MISTERYOSONG KAMATAYAN?
Ulat ni Maki Pulido
Sa Hong Kong, natagpuang nakalutang sa dagat at wala nang buhay ang Overseas Filipino Worker na si Rowena Gomez. Naibalik man sa bansa ang kanyang katawan, hindi pa rin malinaw kung ano ang dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi rin nalalayo ang sinapit ni Terril Atienza. Matapos ang isang taong pamamalagi sa Mongolia, malamig na bangkay na siyang nakabalik ng bansa. Mula 1996, mahigit tatlong daang kaso ng "mysterious deaths" o hindi tiyak ang sanhi ng kamatayan ang naitatala. Marami sa mga ito, nananatiling walang tiyak na kasagutan. Paano sinosolusyunan ng pamahalaan ang mga kaso ng misteryosong pagkamatay?
RARE DISEASES
Ulat ni Jiggy Manicad
Sa buong mundo, isa sa bawat dalawampung libong katao ang tinatamaan ng rare disease. Dito sa Pilipinas, dalawandaang katao ang naiulat na nagtataglay ng iba't-ibang rare disease. Marami ang hirap na tustusan ang kanilang gamutan. Nabibigyang pansin nga ba ang mga gaya nilang may kakaibang karamdaman?
Tags: plug
More Videos
Most Popular