ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Miriam: 'I would have committed suicide upon birth'


Throughout the course of the impeachment trial of then Chief Justice Renato Corona, her sharp, piercing words made headlines and went viral on social media.  Throughout her career in Philippine politics she has had her fair share of supporters and detractors, but one thing is for sure: when Sen. Miriam Defensor-Santiago speaks, everyone listens. In a special one-on-one interview with “Reporter’s Notebook” host Maki Pulido, the ‘Iron Lady of the Philippine Senate’ talks about her appointment to the International Criminal Court, the impeachment, her fellow senators, and gamely answers personal questions about herself and her family. Read the transcript below: Maki Pulido (MP): The International Criminal Court. Papunta na ba kayo? Naghahanda na ba kayo? Nagiimpake na ba kayo?

Miriam Defensor-Santiago (MDS):  Una, pag-usapan natin ang International Criminal Court.  Ano bang klaseng court ito? It is an international court. Ibig sabihin, ang mga judges niya galing sa mga iba't ibang bansa. Kaya kung member, kamukha ng Pilipinas, ang isang bansa, kailangan sundin niya ang mandato o anumang kautusan o anumang paghuhukom ang gagawin ng International Criminal Court. Ngayon sinasabi na ito’y isang napakahalagang korte. It is considered the most important development in international relations since the founding of the United Nations.   Dahil ngayon, hindi na pwede ang tinatawag na culture of impunity—’yun bang ang mga leaders, ang mga pangulo ng isang bansa, pinapapatay nila ang mga sarili nilang mga kababayan o ninanakaw nila ng limpak-limpak ang kaban ng bayan. Hindi na pwedeng, dahil dumaan sila sa kapangyarihan, wala na silang pananagutan pa kung hindi papapanagutan nila sa ICC. Kaya hindi naman porket sinabing international, lahat na lang ng sundalo, lahat na lang ng pulis, o lahat na lang ng corrupt na presidente ay pwede. Kung hindi, ‘yun lang mga leaders talaga. Halimbawa, President, members of congress, senators and congressman, generals, and colonels. Hindi pwedeng marami kasi wala namang ganong pera ang International Criminal Court. So, isang malaking karangalan para sa isang bansa na magkaroon ng judge doon. Kasi hindi pwedeng sobra sa isa ang galing sa isang bansa. Isa lang. At pagkatapos kaunti lang ang judges na nanggaling sa Asia. Tayo ang pinakauna sa Asia.  For the Philippines, I'll be the first Filipino to sit there. And I'll be the first Asian from a developing country. Kasi normally ang mga ine-elect na mga member countries ay ang galing sa mga mayayaman na bansa. Tayo ang unang napili, hindi tayo mayaman na bansa.   Ngayon mayroong kaibahan itong ICC. Hindi ako ang magdedesisyon kung kelan ako magrereport doon. Porket na nahalalal ako nung December 2011, hindi ibig sabihin magreport na ako kagad. Dahil mayroon silang sarili nilang regulasyon na pag ang isang judge doon sa ICC ay nakisama, o he participated sa vista o paglilitis ng isang kaso, kailangang tapusin niya yung buong vista hangga't sa ilabas ang paglilitis bago siya maka-retire. Kaya kung hindi sila nagreretire, kaming mga bago hindi rin maka-assume.   So, ako ngayon, kamukha ng anim na bagong halal ay maghihintay kung kailan kami tawagin kung kailan mayroong bakante. So, maybe next year pa ako pupunta doon.     

MP: So, we're going to see more of you?   MDS: Oh yes. Maybe unfortunately for my enemies I will have to stay here. And keep on attacking them in the Senate if they give me grounds for doing that. May iba naman na iba naman ang kanilang sarili pag-atake sa akin. Ang black propaganda nila na mag-petition daw sila na wag akong paupuin doon, iyan ay siguradong ibabasura ng International Criminal Court. Dahil wala nang pakialam ang ICC sa mga pulitika sa mga bansa na iyon. Ang pakialam lang nila kung paano ka maghahatol doon. Ngayon siguro naman ay handa na ako doon. Dahilan sa nag-RTC judge na ako dito sa Quezon City at marami akong awards tungkol sa pagka-judge ko. At maliban diyan, kinikilala ako sa UN, one of the leading experts in Asia on international law.   Dahil maligaya na ako dito sa Pilipinas. Mayroon akong tatlong apo at tuturuan ko talaga sila kung paano maging maligaya sa buhay. Hindi matagumpay kung hindi maligaya. Kaya wala naman akong napakalakas na ambisyon na magpakasino doon sa, kung sino man ako, doon sa International Tribunal. Gusto ko lang magdala ng karangalan sa Pilipinas. MP: But of course, you're not serious ma’am na you'll just stay here instead of go to ICC? MDS:  Well, let us see. Dahil akong tao, wala na akong kailangan sa buhay e. May edad na ako. Minahal ako ng publikong Pilipino nung 1992. Walang wala akong pera. Wala akong pangalan na, you know, established name. Kung hindi mayroon lamang ako idealismo at laban ako nang laban sa mga kriminal sa immigration commission. Ngayon ang kabataan, wala na akong binibigay sa kanila. Sila na lang ang nagpundar nung aking presidential candidacy. Sa buhay ng isang tao minsan lang mangyayari iyon. Kaya I'm very very happy already with what God has given me in this life.   Nakuha sa akin ang isang anak ko.  Dalawa lang ang anak ko e. Nakuha yung isa. Namatay. Pero mayroon pa akong isa. At itong isa, tatlo ang apo so far na naibigay niya. And a fourth one is coming on the way. Kaya marami na akong pasalamat sa Diyos. Anuman ang Diyos na pinagiisipan natin. Dahil alam natin, God is not a person. God is maybe the universal mind. The mind of the universe. The mind that controls mathematics or physics in our lives. So, basically, life is a mathematical proportion. And for example, there is no mathematical reason why we cannot receive messages from the future or from the past. Ganoong uri ang ating universe. Ganoong uring isipan ang aking laging iniisip o pinag-aaralan.     MP: Kanina may nabanggit kayo tungkol sa mga anak niyo. I'm also a mother of two children. Tapos ang lagi ko pong naiisip, it must have been very difficult for you to when your son died. How did you feel?    MDS: Well, of course, at first I wanted to kill myself. That is a natural impulse of a mother who loses a son very suddenly. Kung minsan mabuti pa nga ‘yung nanay na nagkasakit muna ang anak niya. Natural hirap na hirap ang kalooban niya. Pero gradually tatanggapin niya na mawawala sa kanya yung anak niya. Hindi na [‘yung] buhay na buhay--nagbibiruan pa kayo, may mga plano kayo. Eh, mayroon akong law office. Ka'ko eh, mag-grupo na kayo diyan sa Ateneo at magtatayo tayo ng law office ninyo. At ako ang magiging office counsel ninyo. Hanggang sa makuha niyo ang mga retainers na kailangan para sa law office. Mga ganoon. May mga plano kami. May mga balak kami into the near future. Tapos bigla na lang nanigas na. Wala na doon.   Kung hawakan mo, eh, malamig na. E wala na. Umalis na ang ispirito niya. Hindi mo na makita. So, natural, isip mo palagi, “Why is God unable to prevent the suffering of the innocent?” That is the first question in the mind of a mother when her is son suddenly taken away from her. Why does God allow this? That is a natural inclination. A person has to have very great faith to surpass intolerable sorrow like that.   So, ka'ko sa Panginoon, kung talagang may Panginoon itong daigdig na ito, kunin mo na rin ako dahil sobra na ito. Hindi ko na kaya. Pero unti-unti naiisip ko, alam mo sa buhay, we cannot control things. Like tumakbo ako for president. Pinagtatawanan ako. Ha? Tatakbo-takbo siya, alam naman natin walang pera ‘yan. Walang organisasyon. Walang partido.  Eh, bigla akong naging popular. Where did that popularity come from? That is fate or destiny. Or in other words, that is God.   So, whether life, destiny, whether I was predestined to be popular or whether life is random, like it just happened, nobody knows why.  My lesson is: whether life is predestined or is random, I am not in control of my life. So, mabuti pa dahil hindi ko rin pala ma-control ang mangyayari ay panindigan ko nalang yung pinapaniwalaan ko. O, eh di, masaya na ako na maski ano pang balakid ang pinapatayo laban sa akin, ano pang paninira, I cannot blame anybody except myself. So, I take personal responsibility for my life. And I embrace life. I love life. But I'm also very much interested in death. Because to me, it's like crossing a line. You know, you're alive now. You cross a line. You're dead now. And maybe, who knows, baka tama ang sinasabi ng mga simbahan. Baka hindi?  Sabi nila mayroon pa daw buhay pagkatapos nito. Eh di makikita ko na kaagad kung mayroon. Kung wala man, eh di, I become zero. I become extinct. Kaya kung ganyan ang pananaw natin sa buhay, hindi importante na mananalo ako o matatalo ang mga kalaban ko. Kung hindi, importante na palaging sinasabi, ang katotohanan. Yun ang katotohanan. Na sinisira nila ako dahil epektibo siguro ako nung impeachment trial.     MP: Babalikan ko lang. Tutal kanina pa naman natin napaguusapan yung impeachment. How would you assess the performance of the Impeachment?    MDS: Well, at the very beginning, I already said I stood up and try to explain to the Filipino public: what is the nature of a so-called impeachment trial? Ano ba ang impeachment? Alam nating lahat anong ibig sabihin ng kaso na nililitis sa regional trial court. Iyan, walang pulitika diyan. Kailangan ayon lang sa batas. Kaya kumuha tayo ng abogado hangga’t sa maari sa RTC na kaso na alam na alam niya ang batas. And we know that although there is also corruption in the judiciary, if we are very fortunate and get a relly impartial judge, everything will be decided on the basis of law. Ngayon, kakaiba ang impeachment. Dahil ang impeachment, hindi lamang judicial proceeding. Hindi lamang ayon sa batas. Kung hindi, it is also a political process. Ayon sa pulitika.   Kaya nakakabigla yung impeachment, dahil hindi tayo sanay na ang proseso [ay] kalahati pampultika, kalahati pambatas. Paano mo makumbina ‘yung dalawa? Ngayon, siguro iyan, sa pag-define mo ng ano ang pulitika? Dahil ang iba, akala nila kalahating pampulitika pala ang impeachment. Eh di, ibig sabihin, suhulan din pala iyon. ‘Yun ang pagkaintindi nila, dahil sa atin, pag sinabi mong pulitika, kaagad may pera.   Pero ang ibig sabihin ng political process, ng impeachment, ay na [dapat] makinig ka sa mga taong bumoto para sa iyo. That is the political aspect of the impeachment. Ibig sabihin, bumasa ka muna ng batas mo. Pero maliban diyan, pag-isipan mo rin at idagdag mo rin ang opinyon ng mga taong bumoto sa iyo. The opinion of the voters. That is what I mean by impeachment is half political and half judicial.   Ngayon, ang paniwala yata ng marami na dahil sinabi kong half political, anything is possible now—black propaganda, character assassination, which is very very common in Philippine politics. It's almost like it's an integral part of the political process.   Kaya ang nangyari, ako, istriktong-istrikto ako tungkol sa batas. Lalo na naging judge ako, eh. Kaisa-isa lang akong kasapi ng senado na naging RTC judge talaga.  Marami kasing abogado, una, hindi lahat ng kasapi ng senado ay abogado. Hindi naman requirement na maging abogado ka, eh. Kaya marami sa kanila, hindi abogado. Pangalawa, mayroong mga abogado doon na hindi naman nag-practice talaga sa trial court. Iba ang practice nila. Halimabawa, corporate law, taxation law, o kung ano pang law na hindi naman sila pumapasok sa court room. Kaya maraming hindi alam kung anong batas o lalo na ang rules of court. Ako naman palagi [akong bumabalik] doon sa rules of court, dahil ‘yun ang nakasanayan ko. At ang pagkakaintindi ko na dapat ang batas ang mangibabaw, ‘yun ang ibig sabihin ng “rule of law."   MP: Doon sa boto ng mga kapwa niyong senador, sa tingin niyo po ba ito ay boto ng konsensya, ng tama dahil sa sentimiyento ng publiko? Ano po bang tingin niyo sa boto ng mga kapwa niyong senador?    MDS: Tao lang din naman sila. Kaya natural, nag-iisip sila ng self-preservation. The first instinct of any person is survival. Kung pulitiko ka, palaging iniisip mo, paano ako mag-survive? Ibig sabihin kung matapos na ang aking term of office, paano ako mananatili na senador o congressman? ‘Yun ang palaging iniisip nila. Ngayon sa ating pulitika o maski sa iba pang mga bansa ng daigdig, alam naman natin na hindi ka pwedeng manatili sa pulitika na wala kang pera. So, natural pag nagiisip ka, makakatakbo kaya ako muli? Makapagre-elect kaya ako? Ang una mong iniisip, eh, saan ako kukuha ng pera?    

MP: Sa tingin niyo po ba marami sa atin, marami sa mga taga-gobyerno, ang talagang nagfa-file ng tama sa kanilang SALN? Do you file your SALN truthfully?   MDS: Of course I do. I would lose my status as an anti-corruption fighter if I was not telling the truth. And particularly, abogada kasi ako eh. At mahilig talaga akong gumawa ng kalaban. Mahilig akong magsabi ng katotohanan, at bahala na kung sinong natamaan. Natural ang mga tinatamaan, kailangang gantihan din nila ako.   ‘Yun ang kailangang ibayad ko for my freedom of speech. I’m always talking for [what] I think is the truth, and sometimes my enemies try to do their best to make me pay for it. Pero hindi ako ang gumagawa ng aking SALN kundi ang auditor. Somebody, a CPA person that we hire. Because we don’t really know what calculations to put in there. MP: Noong impeachment you used a lot of words at maraming nagulat doon sa mga words na ginamit niyo. MDS: Ah, well, I’m a very passionate person. I don’t approach issues in politics as if they are all the same. Mayroong pwede ka talagang mag-compromise. Mayroon talagang non-negotiable. In my view, dahil abogada ako, and I’m very, very realistic, there are some principles that to me are non-negotiable. Alam ‘yan ng mga estudyante ko sa UP College of Law. Sampung taon akong nagturo doon eh.  Eh, nasa personalidad ng tao ‘yan eh. There are some people na malumanay lang palagi, maski ano man ang mangyari. Mayroon namang malumanay, unless masyado siyang naging passionate, and then she becomes very emotional about that thing. That's me. That's my personality. I hope that I can continue to control my temper. Sometimes I’m successful, sometimes I’m not.  But that only indicates how strongly I feel about the subject matter. Dahil sabi ko nga doon sa impeachment, napaka-sagrado, napakaselan nitong ginagawa natin, dahil buhay ng tao ito. Sisirain natin ang buhay niya kung hindi tayo mag-ingat. This is a stunning penalty because it can ruin a life. That's why I’m very passionate, hindi ko man kilala ng mabuti ‘yang defendant na yan eh, hindi man lang sya nag-graduate sa UP, Ateneo yan, ‘eh. MP: You said you're bored now with politics? MDS: Of course, I've been suffering from terminal boredom for about two years now.       MP: Ayaw niyo na po? Tinuldukan niyo na itong pulitika, itong career ninyo sa pulitika? You’re really moving on?    

MDS: Well, I hope so. I cannot really say at this time. Pero nabo-bore na ako dahil ilang terms na ako, ikalawang term na ako, pangatlong term na ako of six years. ‘Di, twelve years na ako. Magiging 18 years kung mapuno ko itong six years ko.  Buti na lang ay nahalal ako sa ICC. Kasi pare-pareho ang ginagawa namin. Alam ko na kung sinong nagkakapera. Alam ko na kung sinong kalaban ko patalikod. Eh, hindi naman pwede kung may, maski may pangkaraniwang talino, na hindi mo maintindihan ang kalakad ng pinagtatrabahuhan mo.   MP: Senator, isa daw kayo sa pinakamarami na nai-file na batas?  MDS: Yeah, because normally, I work very, very hard. I want to file as many bills as possible. Para bang sinasabi ko sa mga kapwa senador ko, “Mamili na kayo kung alin diyan.”  Pero ito, ang dami-dami kong mga panukalang batas.  Kailangan lahat ito ng ating bayan. Mamili na kayo kung alin sa tingin niyo ang bigyan nyo ng halaga. Pero at least, bigyan ko kayo ng napakarami para makapamili kayo. Hindi na kakaunti lang ang ating output.  Eh ‘di, mayroon tayong pagkakataon, [pero] sinasayang natin.      

MP: On that point, ma'am, satisfied po ba kayo doon sa naging legislative work ninyo? MDS: Oh yeah. Absolutely, I’m very, very happy with our legislative output, and the cooperation of all my fellow senators. Alam mo kasi, Maki, in the Senate, hindi pwedeng magkagalit kayo, eh. Dahil anim na taon kayong magkakasama, eh. Para ba kayong classmates sa eskwela na hindi kayo magkabati. Anim na taon, Grade 1 to Grade 6! (Laughs) Hindi pwedeng mangyari ‘yun kaya kailangan magiging magkaibigan kayo lahat. At basta hindi lang sila inutusan, halimbawa ng partido nila, o halimbawa mayroong lobby group na nakikiugnay sila na kailangang patayin itong bill, o kailangan nilang isulong itong bill.  Normally, most of them, mostly if not all of them, are cooperative. Mahihirapan lang tayo kung pinipilit sila ng partido o ng administrasyon, o kaya pinipilit sila ng isang lobby group, na sya na ring mga campaign contributors nila. Mahirap nilang tanggihan ‘yung mga ‘yun.      MP: Who do you like the least? MDS: Hindi ko masabi na iisa out of 24 kami or 23. Hindi ko masabing iisa lang. Halimbawa, yung mga taong wala talagang hilig sa political science, or public administration. Iba ang hilig nila. Huwag na silang tumakbo na senado dahil hindi pala ‘yun—they don’t have an aptitude for it. Dahil magiging malakas ang temptasyon na gagamitin ang pulitika para maghanap-buhay kung wala ka man lang hilig doon. Ako napasok lang dahilan lang sa galit ko doon sa mga pulitiko noon ng Immigration Commission. MP: Sa public, ang tingin talaga sa inyo— matapang, mataray, tapang, sasabihin kung anong gustong sabihin.  Naglalambing din kayo? Sometimes, it’s difficult to imagine. Malambing ba kayo sa mga anak nyo? MDS: Oh yes! In fact, I was a very touchy-feely mother. I’m always hugging and kissing, and they try and pretend that they don’t like it. Or I would kiss my husband a lot, and my children would say, “Mom, not in front of the kids!” (Laughs) Or well, because they were boys. I would try and baby them when they were still little. And they would pretend that they wouldn’t like it. MP: Ma'am, has the journey been good? MDS: No. If I’ve been asked to the point of birth, “Do you want to go inside your mother's womb and get born as a human being?,” I'll say, “No!”  Horrors. No. (Laughs) What did I do to deserve this penalty? Huwag! Kaya kung alam ko lang na ipapanganak ako sa buhay at daigdig na ganito, nag-suicide na ako nung hinugot ako doon sa sinapupunan. If I had only been conscious enough to realize what kind of life I would've led in this world, I would have committed suicide upon birth. (Laughs) MP: But you are a very successful woman now. MDS: Give me the scalpel. (Laughs) Hirap na hirap ako sa buhay ko dahil number one ka sa klase but your professors expect you to be more. So you win something, your professors or your colleagues expect you to be even more. So wala ng katapusan. It’s a cycle of ever impossible expectations. —Alyx Arumpac/PF, GMA News --- RELATED VIDEO: One-on-One: Sen. Miriam Defensor Santiago with Maki Pulido “Reporters’ Notebook” is a weekly investigative program hosted by reporter Maki Pulido and Jiggy Manicad.  It airs on GMA Network every Tuesday at 11:30 PM.  Follow the show on Facebook and Twitter.