ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Kidnap-Limos Gang' at 'Anti-Epal' sa Reporter's Notebook


REPORTER’S NOTEBOOK June 19, 2012   KIDNAP LIMOS GANG Ulat ni Maki Pulido Noong nakaraang buwan, halos gumuho raw ang mundo nina Belen at Lisa, hindi nila tunay na pangalan, matapos dukutin ang kanilang mga menor de edad na anak. Matapos kidnapin, sapilitan raw silang kinasangkapan sa panghihingi ng limos. Ang masaklap bukod sa panlilimos, minaltrato rin daw sila ng mga taong dumukot sa kanila. Noong nakaraang buwan, ipinag-utos ng Malacanang sa Department of Interior and Local Government o DILG na imbestigahan ang mga kasong gaya nito. Sapat nga ba ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang mahuli ang mga sangkot sa ganitong uri ng ilegal na kalakaran?   ANTI-EPAL Ulat ni Jiggy Manicad Sa kalsada, bida ang kanilang mga larawan. Maging sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaan, nakakabit din ang pangalan ng mga tinaguriang “epal” o mapapel na opisyal ng gobyerno. Kamakailan, isang online petition ang binuo na kumokondena sa mga gawaing ito ng ilang pulitiko. Bago ito,ipinanukala na rin sa kongreso ang Anti-Epal bill na nagbibigay parusa sa mga gumagawa nito. Sagot nga ba ang mga panukalang ito upang masolusyunan ang isyung ito?