ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rep. Manny Pacquiao: 'Kung ayaw ng Panginoon na magserbisyo ako, ayaw kong magserbisyo'


Even after his controversial defeat by Timothy Bradley, Rep. Manny Pacquiao remains one of the most talked-about figures in both sports and Philippine politics.   In an interview with Maki Pulido for Reporter’s Notebook, Pacquiao talks about the fight with Bradley, the future of his boxing career, his dubious attendance records in the House of Representatives, and his political future. Read the full transcript of the interview here:   Maki Pulido: Noong narinig niyo pong balita, dun sa desisyon ng WBO na kayo ang tunay na nanalo, of course you felt vindicated...   Rep. Manny Pacquiao: Yes. Hindi naman ako nagulat o na-surprise talaga sa naging desisyon dahil alam naman natin na talagang one-sided fight yun. Sabi ko, alam na natin kung anong kalalabasan nung imbestigasyon nila. Nagpapasalamat naman ako sa ginawang imbestigasyon ng WBO. Nag-review sila, yung Nevada Athletic Commission. Dahil yung trust ng tao sa boxing bumalik.   Pulido: Pero bakit nabanggit niyo na wala na kayong balak or ayaw niyo na bawiin yung belt mula kay Bradley?   Pacquiao: Yes. Ako tanggap ko kung anong nangyari dun sa taas ng ring na desisyon na ganon. Tanggap ko yon. Ang akin lang naman is yung hindi lang ako diba? Hindi lang naman ako ang boksingero kung hindi yung pangalan ng boxing. Yung mga boxing fans, paano pa sila magtitiwala kung ganyan palagi ang desisyon. Magiging resulta ng desisyon. So, yung mga fans, hindi na sila manunuod ng boxing.   Pulido: May mga ganoong haka-haka po na nagkaroon daw ng fixing dun sa last fight with Bradley. Mga ganong usap-usapan, ‘yung mga ganun ba na haka-haka also entered your mind or hindi naman?   Pacquiao: Eh siyempre iisipin ng tao kung ano yung mga nangyayari. Diba nakita naman na panalong panalo ako. One-sided fight tapos ang desisyon sa kabila. So hindi natin maiwasan yung mga tao na magisip ng ganoon. Hindi natin sila maiiwasang magisip ng ganon, na klarong klaro. Kung close fight sana pwedeng mangyari. Pwedeng hindi ano...Pero itong one sided fight tapos nangyari yung ganon. So, hindi natin maiiwasan yung mga taong magisip ng ganon.   Pulido: Pero kayo?   Pacquiao: Sa akin pinapaubaya ko na sa Panginoon. Because the Holy Spirit is telling me na ganon.   Pulido: After the fight alam ninyo na kayo yung nanalo pero iba yung inannounce na panalo. How did you feel? Was it humiliating? Were you angry?   Pacquiao: Ganito kasi nangyari no’n. After ng 12 rounds, e di tapos na. Pumunta ako sa corner ko. Siyempre lahat naniniwala na talagang one-sided fight diba. Panalo ako. At ako naman, paniwala ako na panalo ako. At habang nagdadasal ako, nagdadasal ako, sinasabihan ako ng Holy Spirit na kung anong mangyayari is God's will. Tanggapin mo. Nakuha mong ibig kong sabihin? Kung anong mangyayari, tanggapin mo. Accept it nang buong puso.   So, nagdadasal ako, bakit pumasok sa isip ko yun?  Bakit ako sinabihan ng holy spirit ko na tanggapin mo?  Yung sa isip ko na panalo ako diba? Tapos nung sabi ko, nag-pray ako. Sabi ko, Lord not my will but Your will be done. Kung anong kagustuhan mo, yun ang masusunod. Hindi ako, Ikaw. So, balewala sa akin. Dahil binigyan niya ako ng knowledge na kung anong mangyari sa desisyon, tanggapin mo. So, after ng prayer ko, e di tinanggal yung gloves ko. Yung bandage ko.   So, inannounce na. Narinig ko. Nung pag-announce na nanalo siya, kita mo wala akong reaksyon. Because the Holy Spirit is already telling me. Na-inform na ako kung anong mangyayari. So, ang reaksyon ko, kaya ako ganoon, makikita mo sa video na gumanon lang ako. Tapos tumingin ako sa taas. Tapos ngumiti ako. Masaya ako dahil sinabihan niya na ako. Masaya ako. Bakit? Dahil may purpose ang Panginoon.Yung plano ko, wala yun. Mas higit yung plano niya. Mas maganda yung plano niya para sa akin.   Pulido: When you talk ngayon Congressman, malakas yung religion sa inyong mga pananalita. What was the turning point? 'Yung turning point ninyo na talagang kayo na rin ang nagsabi na nagbago kayo pati sa pamumuhay ninyo. Pati sa pagtrato ninyo sa mga tao sa paligid niyo.   Pacquiao: Turning point ko is nagbabasa ako ng Bible. Bawat basa ko ng Bible... Nakukuha ko yung binabasa ko. Kumbaga may nakukuha akong aral. Tapos inaapply ko sa sarili ko. Pag nagbabasa ka kasi ng Bible, ibang Holy Spirit yung magga-guide sayo. Tapos hanggang sa I follow the instructions from the Bible. The Bible is the manual to life. So, I follow the instructions. What the instruction is, magbasa palagi ng Bible, ng Bibliya araw-araw. At panatilihin palagi ang salita ng Panginoon sa bunganga mo. At ilagay mo sa puso mo. At pagmuni-munihan mo. You meditate it day and night. So, I just follow the instruction. I follow the instruction in my manual.   And then I memorize the verses. I cannot meditate if I don't memorize the verses. So, I have to memorize the verses while I'm reading the Bible.  May mga magagandang verses na magagamit ko. Imine-memorize ko. And then, nagagamit ko.   Pulido: Hindi pa ba kayo magreretiro sa pagboksing?   Pacquiao: Hindi pa naman. Hindi pa naman.   Pulido: Ibig sabihin may susunod pa na laban na dapat asahan ang boxing fans?   Pacquiao: Meron pa. Meron pa.   Pulido: Pero hindi natin alam kung sino?   Pacquiao: Hindi pa. Hindi pa namin pinaguusapan ni Bob yung susunod kong laban.   Pulido: Pero posible po kaya na si Bradley yung susunod?   Pacquiao: Posibleng si Bradley. Posibleng si Marquez. Floyd Mayweather or somebody else. Hindi pa namin pinaguusapan.   Pulido: Why not retire now?   Pacquiao: Ayaw ko kasi gusto ko talagang sulit yung pagbo-boksing ko. E di nagbo-boksing ako, pag retiro ko, gusto ko hindi na ako babalik sa boxing. Kasi maraming nagreretiro, nagreretire, tapos kulang sila... Kulang sa pagkasawa ba. Kulang sa pagkasawa sa pagboboksing. Tapos babalik ulit. So gusto ko talagang hanggang magsawa ako. Parang pagkumain ka ng isang pagkain, hanggang magsawa. Tapos tama na.   Pulido: Ibig sabihin, hindi pa kayo nagsasawa?   Pacquiao: Hindi pa ako nagsasawa sa boxing. Iniisip ko kapag nagretiro ako, hindi na ako babalik. Make sure na hindi na ako babalik sa boxing.   Pulido: Pero paano niyo binabalanse ang oras niyo?  Sabi nga nila, nakabasa ako minsan ng isang Facebook status, paano niyo binabalanse yung oras ninyo. You're a politician. You're a boxer. You're an actor. You're a host. And you're also a singer. Napakarami ninyong ginagawa, how do you balance your time? O may nagsa-suffer ba sa isa sa mga 'yon?   Pacquiao: Wala naman. Nabibigyan ko naman ng time. Kasi ano lang yan, time management lang yan. Kailangan mong ibalance yung trabaho mo, pamilya mo, yung obligasyon mo bilang public servant. Talagang nage-enjoy ako. Masaya ako. At talagang aktibo palagi yung merong trabaho.   Pulido: Congressman kayo ngayon. Sa 2013 o masyado pa bang maaga para itanong?  Kakandidato na ba kayo bilang governor ng Sarangani? Katulad ng mga bali-balita?   Pacquiao: Sa ngayon, wala pa talagang final decision. Kasi malayo pa yan e. Plano ko na mag-gobernador. Pero hindi pa talaga yan yung final 'no. Ang plano ko lang ay tumakbo ako ng gobernador or mag stay ako sa Congress. Marami namang choices e.   Pulido: Pagkatapos ng 2013, are we going to see you soon sa mga susunod pang mga eleksyon?   Pacquiao: God's will. God's will.   Pulido: But do you see yourself running as vice president or president?   Pacquiao: Kung ayaw ng Panginoon na magserbisyo ako, ayaw kong magserbisyo. Kung hanggang diyan lang ako, diyan lang ako. Kung anong will niya para sa akin, yan ang masusunod.  Kasi lahat binigay na sa akin e. Kasi Manny Pacquiao is from nothing.   Tapos yung pangarap ko...imagine ah, my plans, nalampasan pa. My plan before when I started boxing was just to make money and to be a champion in the Philippines.  Tapos after the Philippines, Asia na. Ang pangarap ko is mag-champion ako sa buong mundo lang. Yun lang.  But ang narating ko, more than sa inisip kong plano ko.   Pulido: Paano yung Congressman, sa political llife niyo, may mga nagsasabi na...hindi naman nagsasabi pero may mga nakapuna rin. Dati ay kakampi kayo ni Arroyo.  Tapos kayong mag-Liberal. Tapos ngayon sumama kayo sa partido ng Binay. Hindi naman ito yung sinasabi nga nila sa ating politika na political butterfly?   Pacquiao: Hindi naman. Kasi hindi naman ako nag-Liberal.  Sa totoo lang sinasabi lang nila na ano... Pero hindi ako nag-Liberal. Hindi ako nag-ticket sa Liberal. Actually gusto ko doon pero hindi naman ako natanggap. So, anong magagawa ko diba? But anyway hindi ito about sa party 'no. Partido. Sinusuportahan ko ang administrasyon kasi sa totoo lang pinagdadasal ko ang Pangulo. Pinagdadasal ko ang ating bansa. Pinagdadasal ko ang ating bansa na all things are possible with God.   Pulido: Hingin ko na rin po ang reaksyon niyo Congressman. Ikatlo daw kayo sa mga kongresista sa pinakamaraming absences sa kongreso?   Pacquiao: Kahit na, kung isa-isahin natin, e hindi naman siguro. Marami ngang hindi pumapasok diyang isang taon e diba? Pero hindi natin kukwentahin yan. Importante kung anong ginagawa natin dun sa probinsya. Minsan kasi hindi ako nakakapasok dahil nandun ako sa district ko.  Nandun ako sa district ko. May mga ginagawa. So, absent ka pa rin dun sa Congress. Hindi importante yung attendance diyan. Importante kung paano ka gumagawa ng trabaho mo dun sa mga tao.   Pulido: At ito'y hindi dahil sa absent kayo because you were boxing, because you were training?   Pacquiao: Hindi.   Pulido: Are you satisfied generally with your legislative work?   Pacquiao: Satisfied ako. Gusto ko rin ako mismo ang mag-implement ng mga project. Kasi being a legislator, maghihintay ka pa. May bill ka pang ipapasa. Maghihintay ka ng ilang buwan bago mapasa yan.   Pulido: Pero kung meron po kayong sabihin natin e isang batas na gusto niyong maisulong malapit sa ipinaglalaban niyo, malapit sa inyong prinsipyo, ano po kaya iyon?   Pacquiao: Alam mo, kung titignan natin ilang libong batas na ang ifinile dyan. Ilang libong batas na ang naipasa. Pero ang problema hindi naiimplement. Hindi naiimplement talaga. Kung iisa-isahain natin yung mga batas, hindi naman naiimplement talaga e. Kailangan lang implementtation. At susundin natin yung batas. Hindi natin pwedeng...pag batas, may exemption siya.   Pulido: Pumutok na rin naman yung BIR issue? Baka gusto niyo lang uling ipaliwanag yung BIR issue?   Pacquiao: Ito na lang sa akin ah. I'm praying for them. Nagpe-pray ako. Inaayos ko kung anong mga pagkukulang ko. Pero yung sabihin nila na hindi ako nagbabayad sa BIR, umiiwas akong magbayad, hindi totoo yan. Kasi siguro masasabi ko na ako ang tao na honest ako. Ang importante sa akin yung relation ko sa Panginoon. Hindi ako materialistic na tao. Ang importante sa akin yung relationship sa Panginoon.   Pulido: At naayos na po yung hinihingi ng BIR?    Pacquiao: Oo naman. Yung sinasabi na hindi humarap yung abogado ko, talagang humarap.  Humarap naman at binago nila yung explanation nila.  Binago nila yung complaint nila. At bahala na ang Panginoon mag-guide sa akin. Kailangan tayong mga tao, hindi tayo kailangang maging materialistic dito sa mundo.   Pulido: Ano yung balak niyo sa Sarangani? Nabalitaan namin na kayo mismo yung bumibili ng lupa para sa relocation ng inyong mga kababayan?   Pacquiao: Bumibili ako gamit ang sarili kong pera.  Binibigay ko sa mga tao. Andaming taong mga naghihirap. Walang mga bahay. Dapat talagang buong-pusong tutulong yung mga leader talaga.   Pulido: Anong ginagawa ninyo?  Isa sa mga pinakamatinding nasalanta ang Sarangani  sa pinakahuling bagyo?   Pacquiao: Binigyan ko sila ng tag-iisang sakong bigas,  binigyan ko ng mga sardinas, noodles, mga gamot para dun sa mga nagkakasakit. At talagang pinuntahan natin sila para malaman kung ano pang mga hinain nila.   At isa sa mga problema is yung mga tirahan nila. Wala silang mga matitirahan. Doon lang sila sa gilid ng ilog nagtatayo ng bahay.   Pulido: So tinutulungan niyo for relocation?   Pacquiao: Yes. Tapos bumibili ako ng lupa. Binibigay ko sa kanila. Kasi kahit na marami akong lupa... Bili ako ng bili ng lupa tapos hindi ko naman madadala lahat kung mamatay ako. Diba pag kinuha ako ng Panginoon, pwede ko bang sabihin, ‘Lord dalhin ko muna yung lupa ko doon. May titulo ako. Marami akong titulo.’ Diba? Hindi mo naman madadala yun e. Ang importante yung nakatulong ka sa kapwa.—Alyx Arumpac/PF, GMA News "Reporter's Notebook" airs every Tuesday night at 11:45 PM. Follow the program on Facebook and Twitter for updates about their upcoming episodes.