Infographic: Buhay ng ilang self-employed, isang kayod, isang tuka
Ayon sa datos ng National Statistical Coordination Board o NSCB, 10.7 milyon sa 37.7 milyong Pilipinong may trabaho sa bansa ang itinuturing na self-employed, o kumikita sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at walang pinapasukang employer.
Sa kabila ng mga programa at proyekto ng gobyerno tulad ng Self-Employment Assistance-Kaunlaran o SEA-K Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na layon sanang makatulong ilang self-employed, tila marami pa rin ang mula sa sektor na itong lugmok sa kahirapan.
Sa ika-apat na yugto ng SEKTOR, ang ika-8 anniversary special ng programang "Reporter's Notebook," siniyasat ang mga dahilan kung bakit patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang ilang self-employed sa Pilipinas. — Ria Landingin/Infographic by Den Fajardo/CM/PF, GMA News