ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Infographic: Estado ng sektor ng kababaihan sa Pilipinas


Noong taong 2012, kinilala ng World Economic Forum ang Pilipinas bilang numero uno sa gender equality sa buong Asya, at pangwalo naman sa buong mundo. Ayon sa datos, pataas din ang functional literacy rate, o kakayahang maintindihan ang binabasa at sinusulat, ng mga kababaihan. Pero sa kabila nito, tila hindi tumataas ang employment opportunity para sa kanila. Sa ika-limang yugto ng SEKTOR, ang ika-8 anniversary special ng programang "Reporter's Notebook," siniyasat ng programa ang mga dahilan kung bakit patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang ilang kababaihan sa Pilipinas. — Ria Landingin/Infographic design by Den Fajardo/CM, GMA News