ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ahensiyasat: DPWH' sa special report ng 'Reporter's Notebook'


AHENSIYASAT: Department of Public Works and Highways (Part I)
Reporter’s Notebook Special Report
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido
Airing Date: October 8, 2013
 
Ang Department of Public Works and Highways o DPWH ang pangunahing ahensyang inatasang magsagawa at magpatupad ng mga tinatawag na “hard projects” o imprastruktura gaya ng mga kalsada at tulay. Pero ang ahensyang ito, minsan na ring itinuring bilang most corrupt government agency sa Public Perception Survey ng Pulse Asia noong 2009 at 2010. Kaya sa pag-upo sa pwesto ni Pangulong Noynoy Aquino, isa sa mga pangako niya ang paglilinis ng katiwalian sa DPWH. Siniyasat ng Reporter’s Notebook ang lagay ng ilang proyekto ng ahensya.






 
Dahil sa pananalasa ng Bagyong Reming noong 2007, maraming imprastruktura ang nasira sa Albay kabilang na ang Kilicao-Binitayan bridge sa Daraga. Naglaan ng 40 milyong piso para masimulan ang muling pagtatayo ng tulay. Pero nang puntahan ng Reporter’s Notebook ang lugar, mga poste lang ang aming nadatnan. Hindi natapos ang tulay at iniwan na lang daw na nakatiwangwang.





 
Sa pananaliksik ng Reporter’s Notebook, may ilang contractor na minsan na ring pinuna ng Commission on Audit at mismong DPWH dahil sa mga kwestiyonable nilang proyekto. Gayunman, ang ilan sa kanila ay patuloy pa ring nakakuha ng proyekto mula sa pamahalaan. Paano humantong sa ganitong kalagayan ang mga proyektong ito?
 
Huwag palampasin ang mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaaan sa Reporter's Notebook ngayong Martes, ika-8 ng Oktubre pagkatapos ng Saksi.