ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Kalamidad, Seguridad at Paglalantad," yearend special ng 'Reporter's Notebook'
BALIKTANAW 2013
KALAMIDAD, SEGURIDAD AT PAGLALANTAD
Reporter’s Notebook Yearend Special
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido
Sa nakalipas na taon, iba’t-ibang malalaking kaganapan ang sumubok sa katatagan ng mga Pilipino. Mga pangyayaring nag-iwan ng matinding pinsala sa marami nating kababayan.

Ang dalawa sa mga pinakamapaminsalang kalamidad na tumama sa bansa, aming tinutukan. Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, halos pitong daang libong pamilya ang naapektuhan ng lindol na tumama sa Visayas noong Oktubre. Nasa mahigit pitumpung libong kabahayan rin ang nasira at ang pinakamasaklap, dalawang daan at dalawampu’t dalawa ang nasawi. Hindi pa man lubusang nakakabangon ang Visayas mula sa matinding epekto ng lindol, humagupit naman ang super typhoon Yolanda, ang itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Sa pinakahuling tala ng NDRRMC pumalo na sa mahigit anim na libong katao ang kumpirmadong namatay, dalawampu’t pitong libo ang sugatan at 1,700 pa rin ang nawawala.

Agosto naman nang maganap ang sunud-sunod na pambobomba sa Mindanao. Ang isa sa pinakamalaki, ang pambobomba sa Cotabato City kung saan walo ang binawian ng buhay. Pero ang maituturing na pinakamatagal na krisis sa seguridad ngayon taon, ang bakbakan sa Zamboanga City. Isang araw mula nang pasukin ng puwersa ng rebeldeng Moro National Liberation Front o MNLF ni Nur Misuari ang Zamboanga City noong September 9, nagtungo roon ang Reporter’s Notebook. At sa isang linggong pananatili ng aming grupo, walang araw na tumigil ang putukan. Bukod sa pangho-hostage ng mga sibilyan, maraming bahay din ang sinunog ng rebeldeng grupo at ang pinakamasaklap, umabot sa 137 ang nasawi.

Taon din ito ng mga paglalantad. Hulyo nang pumutok ang isang malaking iskandalong bumulabog sa mababa at mataas na kapulungan, ang maanomalya umanong ten billion peso pork barrel scam. Ang Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga mambabatas, napunta umano sa mga peke o tinatawag na bogus na mga NGO o non-government organization. Ang itinurong mastermind sa scam, si Janet Lim-Napoles. Sa inilabas na special report ng Commission on Audit o COA, sakop ang taong 2007 – 2009, lumalabas na isang daan at siyamnapu’t dalawang senador at kongresista ang naglaan ng mahigit anim na bilyong piso sa walumpu’t dalawang kwestiyonableng NGO. Nito lamang November 19, idineklara ng kataas-taasang hukuman na unconstitutional ang PDAF.
Ang bawat taong lumilipas ay bahagi na ng kasaysayan ng ating bayan, pulitika at pamahalaan. Nag-iiwan ito ng mahahalagang leksiyong magagamit natin sa susunod pang mga taon. Hangga’t may malalaking kaganapan at pumuputok na mga isyu at katiwaliang dapat ninyong malaman, magpapatuloy ang Reporter’s Notebook sa mas malalim at makabuluhang pag-uulat at pagsisiwalat ng mga isyu ng pamahalaan at ng lipunan.
Huwag palalampasin ang BALIKTANAW 2013, REPORTER’S NOTEBOOK YEAREND SPECIAL, unang yugto ngayong Martes, ika-17 ng Disyembre, 11:30 ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Tags: prstory
More Videos
Most Popular