ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga ineligible beneficiaries sa 4Ps Program ng DSWD, natuklasan ng 'Reporter's Notebook'
REPORTER'S NOTEBOOK
January 21, 2014

BATANG MAMUMUGAD
Ulat ni Maki Pulido
Sa bayan ng Tanay sa Rizal, naabutan namin ang isang grupo ng kabataan patungo sa mga kweba sa kabundukan. Kabilang sa kanila ang labing-isang taong gulang na si Jun Jun at ang labing tatlong taong gulang na si Joel. Pangunguha ng mga pugad ng ibong balinsasayaw ang pakay nila sa mga kweba. Mapanganib ang kanilang ginagawa. Halos tatlong palapag ang inaakyat nila para tingnan kung may pugad sa tuktok ng mga bato. Ang nakababahala, walang anumang safety gear o equipment gaya ng mga helmet at lubid ang mga bata kapag pumapasok sa kuweba, tanging flashlight lang ang dala nila. Pero sa kabila ng hirap, kakarampot lang ang kinikita ng mga bata sa produktong mahal kung ibenta sa merkado. Ang mga mismong nagpapakahirap para sa pagkuha ng produkto, hindi naman nabibigyan ng patas na kita.

PEKENG BENEPISYARYO?
Ulat ni Jiggy Manicad
Unang SONA pa lang ni Pangulong Noynoy Aquino noong 2010, ibinida na niya ang isa sa mga programang layong bawasan ang kahirapan sa bansa. Ito ay ang paglalaan ng karagdagang pondo para sa Conditional Cash Transfer o CCT na nagsimula pa sa Administrasyong Arroyo. Tinawag din itong 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD kung saan binibigyan ng mahigit isang libong piso ang bawat pamilyang makakapasa sa screening. Pero sa inilabas na report ng Commission on Audit sa DSWD, natuklasan na ang ilan sa mga benepisyaryo ng 4Ps, ineligible raw o hindi naman pasok sa mga kwalipikasyon ng programa. Tinungo ng Reporter’s Notebook ang Region 5 kung saan pinakarami umanong natuklasang ineligible beneficiaries ng 4Ps. Natuklasan din naming na maging dito sa Metro Manila, may mga ganitong kaso rin.
Huwag palalampasin ang mas pinakalawak na pagbabantay sa mga isyu ng bayan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook ngayong Martes, ika-21 ng Enero pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular