ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Reporter's Notebook', siniyasat ang pagmimina sa Sta. Cruz, Zambales
February 25, 2014
BAYAN NG MINA
Ulat ni Maki Pulido

Dati raw ay maraming nahuhuling hipon, shellfish at isda sa kanilang tabing-dagat ang mag taga-Barangay Lipay sa Sta Cruz, Zambales . Pero ang dating pinagkukunan nila ng lamang-dagat, ngayo’y natabunan na ng maraming putik na may nikel. Kaya ang mga mangingisda, dumarayo pa ngayon sa ibang bayan upang makapangisda. Nagsimula raw ito nang magmina ang ilang kumpanya sa kabundukan ng Sta Cruz, Zambales limang taon na ang nakararaan.

Sa pagbisita ng "Reporter’s Notebook" sa lugar kasama ang Mines and Geosciences Bureau o MGB, natuklasan ng mga awtoridad ang diumano’y iresponsableng paraan ng pagmimina dahil umaagos ang putik na may nikel sa ilang barangay. Isa pa sa mga labis na naapektuhan ay ang mga sakahan. Ilang ektarya ng sakahan ang napuno ng putik. Pinipilit pa rin itong tamnan ng mga magsasaka pero kailangan nila itong lagyan ng maraming abono dahil sa humalong nikel sa lupa. Kaya ang maraming residente, ngayo’y umaalma at humihingi ng tulong.
Huwag palalampasin ang mas pinakalawak na pagbabantay sa mga isyu ng bayan at pamahalaan. Abangan ang “BAYAN NG MINA”, ngayong Martes, ika-25 ng Pebrero pagkatapos ng Saksi.

More Videos
Most Popular