ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tinubog na Pangarap,' isang 'Reporter's Notebook' special






TINUBOG NA PANGARAP
Reporter’s Notebook Special Report
June 5, 2014

 
Sa isang tunnel na may lalim na limampung talampakan sa bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte, inabutan ni Jiggy Manicad ang labing-anim na taong gulang na si Ricky Romero na buong puwersang tinitibag ang mga bato sa ilalim ng lupa. Dito nanggagaling ang gintong bumubuhay sa kanilang buong pamilya. Kasama niya sa gawaing ito ang kanyang ama na si Mang Eddie.
 




Sa itaas ng malalalim na butas, abala naman ang walong taong gulang na si Mark sa pag-iipon ng mga batong may ginto. Binubuhat niya ang mga ito pababa ng bundok. Kailangan niyang makaipon ng isang sako ng bato bago niya ito pwedeng ipagiling. Kadalasang kumikita siya ng isang daang piso kada araw. Kahit mabigat ang trabaho, kailangan daw niya itong gawin upang makabili ng gamit sa eskwela para sa kanya at sa kanyang dalawang kapatid.  Ilan lamang sina Mark at Ricky sa mga menor de edad na nasasabak sa pagtatrabaho sa mga minahan sa Camarines Norte.
 

 
Sa kabila ng hirap na dinaranas ng pamilya ni Mark, desidido siyang gawin ang lahat upang makapagtapos ng pag-aaral.
 
Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Huwebes, alas kuwatro ng hapon pagkatapos ng Innamorata.