ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Tuktok ng Panganib,' isang 'Reporter's Notebook' special
August 21, 2014
TUKTOK NG PANGANIB
Reporter’s Notebook Special Report


Sa bayan ng Balabagan sa Lanao del Sur, inabutan ng Reporter’s Notebook na papunta sa niyugan ang magkakapatid na Vicente, labing limang taong gulang, Judelo, labing-apat na taong gulang at Ronelo, labing dalawang taong gulang. Kasama nila ang limampu’t walong taong gulang nilang ama na si Mang Bising Omaga. Pagkuha ng tuba ang kabuhayan ng kanilang pamilya.
Umaabot ng hanggang apatnapung talampakan ang taas ng mga inaakyat na puno ng mag-aama. Wala silang anumang proteksyon sa pag-akyat gaya ng lubid kaya maingat ang kanilang bawat apak. Isang maling galaw, malaking peligro ang kanilang maaaring harapin. Pero hindi nila alintana ang panganib dahil ito raw ang pinagkukunan nila ng pantustos sa kanilang pag-aaral at araw-araw na pangangailangan.


Kung tutuusin, may pinansyal na tulong sanang makukuha ang pamilya ni Mang Bising mula sa pamahalaan. Kabilang kasi sila sa mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer o CCT program o mas kilala sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps ng Department of Social Welfare and Development.
Taong 2011 nang maging benepisaryo sila ng programa. Kada buwan, dapat ay makatatanggap sila ng isang libo at apat na raang piso. Pero noong nakaraang taon, nahinto raw ang pagdating ng kanilang cash grant mula sa DSWD. At natuklasan ng Reporter’s Notebook na bukod sa Bayan ng Balabagan kung saan nakatira ang Pamilya Omaga, lima pang bayan sa Lanao del Sur ang hindi nakatanggap ng cash grant mula sa CCT mula pa noong nakaraang taon.

Huwag palalampasin ang mas pinatatag at mas pinalawak na pagbabantay sa mga isyu ng lipunan at pamahalaan. Abangan ang Reporter’s Notebook sa bago nitong araw, Huwebes, alas kuwatro ng hapon pagkatapos ng Dading.
Tags: prstory, reportersnotebook
More Videos
Most Popular