ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Malawakang protesta ng INC laban sa DOJ, sisiyasatin ng 'Reporter's Notebook'


September 3, 2015

Araw ng Huwebes, August 27, 2015, nagsimulang dumagsa ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo o INC sa harapan ng Department of Justice o DOJ. Ito ay bilang pagtutol sa diumano’y panghihimasok ng DOJ sa mga isyu at usapin sa kanilang Iglesia. Malinaw daw kasi itong paglabag sa separation of church and state at maging sa freedom of religion. Para naman sa DOJ, nagsasagawa lamang sila ng imbestigasyon sang-ayon sa batas.

Ang nag-udyok sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na magprotesta, ang pakikialam daw ng DOJ sa illegal detention case na isinampa ng dating ministro na si Isaias Samson Jr. laban sa walong miyembro ng tinatawag na Sanggunian ng INC.
Ang protesta hindi natapos sa Maynila, dahil maging ang EDSA-Shaw Boulevard, dinagsa rin ng makapal na bilang ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. Marami naman ang pumuna sa ginawang pagtitipon na ito na nagdulot raw ng perwisyo sa ibang mamamayan.
Alamin ang mga pinakahuling balita kaugnay ng isyu sa pagitan ng DOJ at INC saReporter’s Notebook ngayong Huwebes, 4:45 ng hapon pagkatapos ng Healing Hearts.
Tags: plug, reportersnotebook
More Videos
Most Popular