Asian sex trafficking sa Macau, tatalakayin sa 'Reporter's Notebook'
Special Report: Asian Sex Trafficking
_2016_01_07_13_22_30.jpg)
_2016_01_07_13_21_40.jpg)
Sa unang pagtatanghal ng Reporter’s Notebook ngayong 2016, nagtungo sina Maki Pulido at Jiggy Manicad sa Macau, ang tinaguriang Asia’s Gambling Mecca. Maunlad, hitik sa kasaysayan at bakas pa sa mga gusali rito ang impluwensiya ng mga Portuges na minsang sumakop sa lugar. Kaya dinarayo ito ng mga turista. Paglubog ng araw, buhay na buhay ang Macau sa makukulay na ilaw. Nagkalat rin dito ang mga casino na pinupuntahan ng mga parokyano. Pero sa likod ng mga nagkikislapang ilaw, tila may lihim na nagkukubli sa madidilim na sulok ng Macau.
_2016_01_07_13_20_21.jpg)
_2016_01_07_13_18_29.jpg)
Ang ilan sa ating mga kababayan dito, nasadlak sa bentahan ng laman. Habang naglalakad ang aming team sa isa sa mga kalsada sa Macau, namataan namin ang isang grupo na nag-aabang ng mga customer. Ang kanilang alok, masahe na may kasamang pagtatalik.
_2016_01_07_13_19_32.jpg)
Hindi lang ang Macau ang kinahahantungan ng mga Pilipinong napapasok sa bentahan ng laman. Ayon sa Trafficking in Persons Act Report, kabilang sa mga bansang nagiging destinasyon ng mga Pilipinong napapasok sa prostitusyon o biktima ng sexual trafficking ay ang Malaysia, Singapore, Hong Kong, Korea, Japan, Saudi Arabia at China kung saan bahagi ang Macau.
Huwag palalampasin ang Reporter’s Notebook ngayong Huwebes pagkatapos ng Destiny Rose.