ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Isang buwang bakbakan sa Marawi, tinutukan ng 'Reporter's Notebook'


Halos isang buwan na ang nakalipas mula nang magsimula ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng grupong Maute sa Marawi City. Nagpapatuloy ang misyon ng pamahalaan: masagip ang mga naipit na sibilyan at mabawi ng gobyerno ang mga lugar na sinakop ng Maute.

 

 


Mas pinag-iingat ngayon ang mga mamamahayag sa Marawi City lalo na’t tinamaan ng ligaw na bala ang Australian journalist na si Adam Harvey nitong nakaraang Huwebes. Tinanggal ang bala sa kanyang leeg at agad dinala sa Maynila para sa magamot.

Ang malungkot, umabot na sa mahigit animnapu ang bilang ng pulis at militar na binawian ng buhay dahil sa giyera. Isa sa kanila si Private Roel Cabonita Jr. Kwento ng kanyang ina, pangarap daw talaga ni Private Cabonita na maging sundalo. Ilang beses na kasi niyang naranasan ang kaguluhan sa kanilang bayan sa Lanao del Norte at alam niyang kailangan ng gobyerno ang mga sasabak sa kasundaluhan. Masakit man, unti-unting tinatanggap ng kanyang pamilya ang nangyari sa kanya. Ang  nagpapagaan daw sa kanilang loob, namatay na bayani ang kanilang anak.

 


Naabutan rin ng Reporter’s Notebook ang pagdating ng ilang sibilyan na narescue sa gitna ng bakbakan. Umabot na sa mahigit isang libo at anim na daan ang nasagip ng mga otoridad. Marami sa kanila, nananatili pa rin hanggang ngayon sa mga evacuation center.

Nito lamang Huwebes, isang mass burial sa mga hindi pa rin nakikilalang nasawi ang isinagawa sa isang sementeryo sa Iligan City para sa ilang nasawing sibilyan.
   
Pero paano nga ba nagsimula ang grupong Maute at paano nila nasukob ang lungsod ng Marawi? Tanong ng mga apektadong residente, hanggang kailan magtatagal ang kaguluhan?

Huwag palalampasin ang “ISANG BUWANG BAKBAKAN,” ngayong June 22, 2017, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Tags: pr