Mga kuwento ng sakripisyo ng ilang kabataan, tampok sa 'Reporter's Notebook'
_2017_12_19_13_12_22.jpg)
_2017_12_19_13_13_45.jpg)
_2017_12_19_13_14_30.jpg)
Sa isang bayan sa Quezon, sako-sakong uling ang pinapasan nina Marvin, Bonbon at Jayven. Pakay nila noon, makaipon ng perang pambili ng gamit para sa paparating na pasukan. Kaya naman hindi nila alintana ang panganib sa pagbaba sa matarik na bundok. Ang kanilang kuwento kinilala at pinarangalan sa loob at labas ng bansa.
Sa isang bayan naman sa Visayas, sumisisid sa ilalim ng dagat ang magkakapatid na sina Dodong, dalawampu’t dalawang taong gulang, Michelle, labing tatlong taong gulang at Manilyn, labing dalawang taong gulang para makahanap ng ginto. Gamit ang mga hose na may hangin mula sa compressor, nilalakad nila ang ilalim ng dagat hanggang marating ang minahan. Dito, pinapala nila ang buhangin na may ginto at dinadala sa pampang.
Ang kwento ng mga batang mag-aawis at mga batang minero, ilan lamang sa mukha ng ating mga kababayan na nagpakita ng pagsisikap sa kabila ng hirap na dinaraanan.
Huwag palalampasin ang kanilang kuwento sa “SINAG NG PAG-ASA” ngayong December 21, 2017, 11:35 pm sa 2017 New York Festivals Gold World Medalist at 2016 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.