ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga aksidente sa mga pampublikong sasakyan, sisiyasatin sa 'Reporter's Notebook'


8-TIME NEW YORK FESTIVALS WORLD MEDALIST
2018 NYF BRONZE WORLD MEDALIST
2018 USIFVF SILVER SCREEN AWARDEE

 

 

'LAKBAY'
ULAT NINA MAKI PULIDO AT JUN VENERACION
JUNE 21, 2018

 

 

 


Dahil binubuo ng mga pulo ang Pilipinas, madalas, sasakyang pandagat ang gamit ng marami para makapunta sa kanilang mga destinasyon. Maging ang Reporter’s Notebook, kinakailangang sumakay sa ilang sasakyang pandagat tuwing bibisita sa iba’t ibang lugar. Nitong Mayo, sumakay ang aming team sa isang RORO vessel patungong Oriental Mindoro. Kasama namin sa vessel ang pinuno ng United Filipino Seafarers. Ilang problema sa RORO vessel ang kaniyang napuna.

 


Marami nang trahedya sa karagatan ang naganap sa bansa. Eksaktong sampung taon na ang nakararaan, June 21, 2008, nang mangyari ang itinuturing na isa sa “deadliest maritime disasters” sa kasaysayan ng bansa: ang paglubog ng MV Princess of the Stars sa Romblon. Mula Maynila, papunta sanang Cebu ang barko nang pataubin ito ng bagyong Frank.


Pero bukod sa mga aksidente ng mga sasakyang pandagat, ilang malalagim na trahedya rin sa kalsada ang naitala. Nito lamang March 20, 2018, naganap ang isa sa  pinakamalalang aksidente sangkot ang isang bus. Labingsiyam ang namatay matapos mawalan ng preno ang Dimple Star Bus na pabihaye mula Occidental Mindoro papuntang Maynila.


Labing lima naman ang namatay nang maaksidente ang Panda Coach bus sakay ang mahigit limampung estudyante mula sa Bestlink College of the Philippines. Nakamit na kaya ng mga biktima ang hinahangad na hustisya? Sapat ba ang pagpapatupad ng mga patakarang pangkaligtasan sa paglalakbay ng mga pampublikong sasakyan?

Abangan ang “Lakbay” ngayong June 21, 2018, 11:35 pm sa 2018 New York Festivals Bronze World Medalist at 2018 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.