ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Reporter's Notebook

Musoleo na ginawang silid-aralan sa Cebu, bibisitahin sa 'Reporter's Notebook'


8-TIME NYF WORLD MEDALIST
2018 USIFVF SILVER SCREEN AWARDEE

SILUNGAN SA HIMLAYAN
May 30, 2019

Sa isang semeteryong sa Cebu City, naabutan naming inihahanda ni teacher Mary Jane ang kanyang mga estudyante. Lahat ng tinuturuan niyang bata, sa Carreta Cemetery nakatira. Pero sa halip na isang classroom, isang musoleo ang nagsisilbi nilang silid-aralan. Labindalawang taon nang nagtuturo si teacher Mary Jane sa daycare center ng sementeryo. Programa ito ng isang non government organization o NGO mula Germany.



Kabilang ang magkapatid na Chelsea, limang taong gulang, at Althea, tatlong taong gulang, sa mga tinuturuan ni teacher Mary Jane. Para sa kanilang nanay na si Annalyn, malaking tulong ang pagkakaroon ng klase sa loob mismo ng semeteryo kung saan sila nakatira. Wala naman daw kasi silang kakayanan na mapag-aral sa ibang eskwelahan ang kanilang mga anak.



Sa Carreta Cemetery na ipinanganak si Annalyn. Dito na rin niya isinilang ang kanyang anim na anak. Pinayagan daw silang tumira rito ng may-ari ng musoleo. Para matustusan ang mga pangangailangan nila, naglilinis sila ng ibang mga nitso. Nagtatrabaho rin bilang construction worker ang kanyang asawa. Pero hindi raw sasapat ang kita nila para magbayad ng upa kaya tinitiis nilang mamuhay sa tabi ng mga patay.



Abangan ang kanilang kwento sa “SILUNGAN SA HIMLAYAN” ngayong May 30, 2019, 11:35 pm sa 2018 New York Festivals Bronze World Medalist at 2018 US International Film and Video Festival Silver Screen Awardee--Reporter’s Notebook pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.