ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Filipinos in Singapore


Episode on December 11, 2007 Tuesday late night after Saksi Human trafficking Ulat ni Jiggy Manicad Kamakailan lang, tatlong Pinay ang na-rescue ng pamahalaan sa Sabah mula sa pagiging biktima ng human trafficking. Mga kababaihang pinaasang bibigyan ng maayos na trabaho pero pagbebenta ng laman ang binagsakan. Hindi na bago ang kuwentong gaya nito. Pero ang nakalulungkot, patuloy na lumalala ang problema ng human trafficking sa bansa. Sa report na inilabas ng United Nations, sinabing isa ang Pilipinas sa siyam na bansang pinakamataas bilang pinanggagalingan ng ng mga trafficked women sa buong mundo. Nabalitaan ni Jiggy Manicad na sa Singapore, sangkatutak ang mga Pinay na kinakalakal ang kanilang katawan. Moonlighters ang tawag sa ilan sa kanila. Pumapasok daw sila sa Singapore bilang turista ngunit magtatrabaho bilang sex worker hanggang kailangan na nilang bumalik sa Pilipinas. Bakit nga ba hirap tayong sugpuin ang problemang ito? Pinay nurse sa Singapore Ulat ni Maki Pulido Isa sa pinakamaunlad na bansa sa Asya ang Singapore. Kaya maraming mga Pinoy ang naeengganyong magtrabaho at makipagsapalaran dito. Katunayan, mahigit isangdaang-libong Pinoy ang nasa bansang ito kabilang na ang mga Pinay nurse. Pero tulad ng ibang Pilipinong nakaranas umano ng diskriminasyon sa mga banyagang bayan, hindi rin nalalayo ang kuwento ng mga Pinay nurse dito. Diskriminasyon sa trabaho ang kanilang daing. Kahit kuwalipikado, pahirapan daw ang pag-angat ng mga tulad nilang dayuhang nurse. Paano naipaglalaban ang kanilang karapatan?