ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sitwasyon sa loob ng isang COVID ward, alamin!


INSIDE THE COVID WARD
REPORTER’S NOTEBOOK SPECIAL REPORT
AUGUST 27, 2020

Ika-limang buwan na ng duty ni Dr. Kristine Rialubin sa COVID ward ng Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium. April 2020 noong una namin siyang makilala.

 

 

Mula noon, nagpatuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Mula higit anim na libo noong April 21, umakyat ito sa higit isang daan at siyamnapung libong kaso ngayong August 24. Ramdam nina Doc Tin ang hirap sa pagdami ng kaso sa kanilang ospital. Kung noon, nasa lima ang ina-admit na COVID patient sa kanilang ospital kada araw, ngayon nasa dalawampu na raw ang bilang. Tumataas rin daw ang bilang ng mga infected na health care worker sa kanilang ospital. Ang ilan ngang binisita ni Doc Tin sa Covid ward, mga kasamahan niya rin sa trabaho. Sa datos ng Department of Health o DOH, mahigit anim na libong health care worker na ang nagpositibo sa COVID-19. Apatnapu sa kanila ang binawian ng buhay as of August 23, 2020.

 

Sa swabbing facility ng ospital, naka-assign naman si nurse Ninia Cabulay na una rin naming nakilala noong April 2020. Kasama niya sa ospital ang asawang nurse rin na si Ryan. Kuwento niya, kung dati nasa dalawampu hanggang tatlumpu ang nagpapa-swab test sa kanila, ngayon, umaabot na ito sa higit dalawang daan kada araw.?

 

Sa datos ng DOH, 49 percent na ang occupancy ng ICU beds sa buong bansa. Occupied na rin ang 48 percent ng isolation beds, at 51 percent ng ward beds. Pero kung ang datos sa Metro Manila lang ang titingnan, 67% percent ng ICU beds, 70 percent naman ng isolation beds, at 82 percent ng ward beds ang okupado. At habang hindi pa bumababa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kada araw, malaking hamon pa rin ang mga susunod na linggo para sa mga ospital at frontliner, at maging sa publiko.

Abangan ang unang bahagi ng Reporter's Notebook: INSIDE THE COVID WARD special report ngayong Huwebes, 9:15pm sa POWERBLOCK ng GMA News TV.