Paano matutulungan ang mga naghihikahos na may sakit sa gitna ng pandemya?
PATIENT PH
REPORTER’S NOTEBOOK 2-PART SPECIAL
NOVEMBER 12, 2020

January 2020 nang mapansin ang pamumuti sa mga mata ng tatlong taong gulang na si Robert. Pero dahil malayo sa ospital ang bahay nila sa Brgy. Piao, Sindangan, Zamboanga del Norte at kapos sa pera ang mga magulang, hindi naipatingin sa doktor ang bata. Dagdag pa sa pangamba nila kasalukuyang COVID-19 pandemic.

Hanggang sa unti-unting lumaki ang mga bukol sa mata ni Robert. Tuluyan na rin siyang nabulag.


Araw-araw naman kung mangalakal ng basura si Lola Rosita, 60 taong gulang. Kapansin-pansin ang benda sa kanyang kanang mata. At nang tanggalin niya ito, wala na pala ang isang mata ng matanda.

2017 nang maoperahan ang bukol sa mata ni Lola Rosita sa PGH. Dahil sa hirap ng buhay, hindi na siya nakabalik sa ospital. Ang bendang ipinantatakip niya sa butas, bihira na rin niyang mapalitan. Nakararamdam rin daw siya ng kirot at pananakit sa bahagi kung saan siya naoperahan.

Iba-iba man ang sakit na tinitiis nila, iisa ang kanilang daing. Hirap silang matustusan ang kanilang gamutan.

Paano nila makukuha ang kailangan nilang lunas sa gitna ng pandemya?
Abangan ang unang bahagi ng “PATIENT PH” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, November 12, 10:30pm sa POWERBLOCK ng GMA News TV.