Ano ang sanhi ng lampas-taong baha na dala ni Ulysses?

FLASH FLOOD
REPORTER’S NOTEBOOK SPECIAL REPORT
NOVEMBER 19, 2020


Sa mga nakalipas na araw, sunod-sunod ang mga naging pagbaha sa iba’t-ibang probinsya sa Luzon. Marami sa mga residente, nagulat at hindi inaasahang aabot ng lampas tao ang baha.

May ilang na-trap sa bubong ng kanilang mga bahay. Mula Quezon, Marikina, Rizal hanggang Cagayan, tInutukan nina Jun Veneracion at Maki Pulido ang mga huling kaganapan.


Sa Quezon kung saan unang nagland fall ang bagyong Ulysses, nakita ni Jun ang paglikas ng mga residente habang unti-unting tumataas ang tubig. Dumating rin ang mga militar para sagipin ang ilang apektadong residente.


Sa Marikina City, sinamahan din ni Maki Pulido ang rescue team sa pagsagip sa mga na-trap na residente sa isang village. Pahirapan ang pag-rescue dahil patuloy ang pagtaas ng tubig. Iniiwasan din ng mga rescuer ang mag kable ng kuryente.

Sa Rodriguez, Rizal, naidokumento ng tour guide na si Arnel Zata ang pagragasa ng tubig sa Wawa Dam.
Ang tubig mula rito, dumiretso sa iba’t-ibang bayan sa Rizal kaya marami sa mga lugar ang nalubog. Kabilang sa mga na-trap sa itaas ng kanilang bubong ang pamilya ni Nikka Dolores.


Naging pahirapan din ang pag-rescue sa mga residenteng naiwan sa kanilang bahay sa Tuguegarao City. Gaya ng mga taga Marikina at Rizal, hindi raw nila inasahan na lulubog sa tubig ang kanilang mga bahay.

Ano-ano ang mga dahilan ng paglubog ng mga lugar na ito sa Luzon? At ano ang pwedeng gawin para hindi na maulit ang ganito kalaking epekto ng isang kalamidad?
Abangan ang “FLASH FLOOD” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, November 19, 10:30 PM sa POWERBLOCK ng GMA News TV.