Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Presyo ng mga bilihin, bakit nga ba patuloy na tumataas?


 

 

REPORTER'S NOTEBOOK
BULSA NG MASA
HUWEBES, JANUARY 28, 2021
11:30 PM SA GMA NETWORK

 

 

Saan ka man pumuntang pamilihan ngayon, dumaraing ang marami sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Dagdag pasanin, lalo na at nandyan pa rin ang pandemya. Sa kaliwa’t-kanang pagtaas ng presyo, kakayanin pa ba ng bulsa ng masa na pagkasyahin ang budget para sa pang araw-araw na pagkain nila?

 

 

 

 

Madaling araw pa lang, sasabak na sa isang hamon ang grupong nasundan namin sa Commonwealth Market sa Quezon City. Karamihan sa kanila, may-ari ng karinderya gaya ni Aling Elvie.

 

 

Sa puhunan na pitong libong piso, kailangang makapagluto ni Aling Elvie ng labingtatlong putahe para sa kanyang karinderya.

 

 

 

 

 

 

Pero ramdam na ramdam daw nila ang pagtaas ng presyo ng rekado. Ang karne ng baboy halimbawa na 200 pesos noong January 2020, higit 400 pesos na ngayon sa Commonwealth Market. Ang buong manok na 170 pesos noong nakaraang taon, 200 pesos na ngayon. Pati gulay gaya ng repolyo at kamatis nagmahal na rin.

 

 

 

 

 


Pagdating sa kanilang bahay, nakaabang na ang asawa ni Aling Elvie na si Mang Eddie para simulan na ang pagluluto. Ang karinderya ang pag-asa nila para makabangon muli. Sunod-sunod kasi ang naging problema nila dahil sa pandemya. Nawalan sila ng trabaho. Napaalis din sila sa dating inuupahan dahil wala nang pambayad.

 

 

 

Sa ibang panig ng Maynila, madaling araw rin nakikipagsapalaran si Aling Opay Medina. Kahit na hirap maglakad matapos ma-stroke noong nakaraang taon, tuloy siya sa pamamalengke para sa maliit na karinderya.

 

 

 


Kailangan niyang kumita para pambili ng gamot at pantustos sa sampung anak. Magkasya naman kaya ang limang daang pisong puhunan niya?

 

 


Ano nga ba ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin? At ano ang ginagawang hakbang ng gobyerno para maibalik ang mga ito sa abot-kayang halaga?

 

Abangan ang “BULSA NG MASA” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, January 28, 2021 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.