Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Buhay ng isang batang ina sa gitna ng pandemya, silipin!


 


ANG PAGDADALANTAO NI KIM
MARCH 25, 2021

 


Simula ng pandemic noong March 2020 nang una naming makilala si Kim, hindi niya tunay na pangalan. Sa edad na trese, kabuwanan na ni Kim sa kanyang panganay na anak. Maisilang kaya ni Kim nang ligtas ang sanggol niya ngayong may pandemya? At sa loob ng isang taong quarantine, ano ang nagbago sa buhay nila?

 


Araw-araw, naglalakad-lakad si Kim sa paniwalang mas madali siyang manganganak kapag ginawa niya ito. Aminado si Kim na natatakot siya dahil sa maselang kondisyon niya. Tinutulungan din siya ng isang hilot sa kanyang pagbubuntis.

 

 


16 years old na binatilyo na itatago namin sa pangalang Jeric ang nakabuntis kay Kim. Grade 8 na sana si Kim ngayong taong ito pero napilitan siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa kalagayan nya. Nangako naman si Jeric na sususportahan silang mag-ina.

 


Sinamahan namin si Kim papunta sa ospital para sa kayang check-up. Sabi ng kanyang doktor, maselan at delikado ang pagbubuntis ng mga menor de edad gaya ni Kim.

 


Sa isang pag-aaral, lumabas na 2 to 5 times ang risk na mamatay sa panganganak ang batang ina kumpara sa mga adult mothers. Ang mga sanggol mula sa mga batang ina ay 3 times ang risk na bawian ng buhay kumpara sa mga ipinanganak mula sa inang edad 25-29

 


Sa ikalawang linggo ng March 2020, naghihintay na ng labor si Kim para bumalik siya sa ospital at doon manganak. Pero sa gitna ng pag-aabang niya, biglang inanunsyo ang lockdown sa buong Metro Manila noong March 16, 2020. Lalong nag-alala si Kim kung paano siya makakapunta ng ospital. Patuloy rin kasi ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Hanggang noong March 20, 2020, kinailangan nang isugod sa ospital si Kim.

Abangan ang buong kuwento ng “PAGDADALANTAO NI KIM” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, March 25, 2021 11:30 PM sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.