ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano makababangon ang mga industriyang apektado ng pandemya?


 

REPORTER'S NOTEBOOK
CLOSED FOR BUSINESS
JUNE 3, 2021

Gabi-gabing napupuno ng tawanan at halakhakan ang mga comedy bar bago mag-pandemya. Naging daan din ito para makilala ang ilang komedyante. Isa sa mga pioneer ng comedy bars si Allan K. Naging negosyo niya ito sa loob ng labing walong taon pero dahil sa pandemya, kinailangan niyang isara ang Klownz at Zirkoh comedy bars.

 

 

Bukod sa kailangang bayarang upa, binigyan din nina Allan ng separation pay ang mga empleyadong apektado ng pagsasara nila. Dahil sa pagkalugi, nagdesisyon silang mag-file ng bankruptcy noong nakaraang taon. Masakit daw isipin na ang negosyong pinaghirapan niya sa loob ng halos dalawang dekada, nawala sa isang iglap lang.

 

 

Dating waiter sa Klownz comedy bar si Charles. Ilang buwan din siyang natengga bago nakahanap ng trabaho sa Navotas fishport. Nabawasan man ang kita, malaking bagay sa kanya ngayon na patuloy na nakakapagtrabaho sa gitna ng pandemya.

 

 

 

Bukod sa mga comedy bar, hindi rin muna pinapayagan ang pagbubukas ng mga indoor cinemas. Kaya ang Cinema Centenario sa Quezon City, tuluyan na ring isinara noong October 2020. Isa ang aktor na si Rolando Inocencio sa mga bumuo ng sinehang ito gamit ang sarili nilang pera. Gusto raw kasi nilang mas maipakilala ang mga pelikulang Pilipino, indie man o mainstream.

 

 

 

Ito naman ang last day of operations ng restobar nina Sydney na Chubs and Pangs sa Malingap Street, Quezon City. Isa-isa na nilang hinakot palabas ang mga gamit. Ang kainan na halos limang taon nilang pinaghirapan, kinailangan nilang isara noong September 2020 dahil sa hindi na mabayarang upa at mga tauhan.

 


Nagsara man ang Chubs and Pangs, nakaisip naman ng ibang negosyo sina Sydney. Sa pamamagitan ng binuo nilang online food delivery service, natutulungan hindi lang ang mga dati nilang empleyado kundi maging ang ibang nawalan ng trabaho gaya ni JR.

 


Ilan lang ang mga negosyo nina Allan, Rolly at Sydney sa mga nagsara ngayong pandemya. Ang epekto ng pagtigil ng opersyon nila, kitang-kita sa kuwento nina Charles at JR.

Paano makakabangon ang mga industriyang pinadapa ng pandemya?