ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

NBN controversy, a new kind of ‘high’


Episode on February 26, 2008 Tuesday late night after Saksi Iskandalo sa NBN Ulat ni Maki Pulido Dalawampu't dalawang taon matapos ang Edsa People Power I Revolution, isa na namang maingay na kontrobersya ang kinakaharap ng bansa - ang eskandalo sa National Broadband Network deal. Ilang buwan mula nang unang inilabas at ibinulgar ang umano'y katiwalian sa likod ng proyektong ito, hindi pa rin namamatay ang isyu. Mas maging maingay pa nga sa paglabas ni Rodolfo Noel Lozada Jr, dating presidente ng Philippine Forest Corporation na tila nagpatotoo sa mga una nang nasabi tungkol sa sinasabing maanomalyang proyekto. Bunsod ng mga kaganapang ito, muli na namang may mga kilos-protesta at panawagan sa pagbibitiw sa puwesto ng Pangulo. Saan nga ba hahantong ang kontrobersyang ito? Kakaibang "high" Jiggy Manicad Shabu, cocaine, ecstasy, heroine. Mahaba pa ang listahan ng mga kinahuhumalingang high-end drugs. Karaniwang mga maykaya ang parokyano at nakabibili ng mga drogang ito. Pero ngayon, may mga bago namang inaabuso. Imbes na sa mga mamahaling droga, sa mga mura at alternatibo natutuon ang mga ibang hirap sa buhay. Mula sa acetone at buntot ng butiki hanggang dahon ng kamoteng kahoy. Ilan lang sa mga kakaibang trip na kinababaliwan ng ilang mahihirap na kabataan sa kamaynilaan. Sa pagsulpot ng mga alternatibong "droga," may kakayahan ba ang mga otoridad para bantayan at sugpuin ang mga ito?