Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Now Serving: Pinoy Cuisine' at 'Kalsada Wars,' ngayong Linggo sa Reporter's Notebook


 



2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST

NOW SERVING:

PINOY CUISINE

MARCH 6, 2022 / LINGGO / 9:15PM SA GTV

 


 


Dito sa Pilipinas, nagsulputan ang iba’t-ibang restaurant na naghahain ng iba’t-ibang international cuisine. Ang iba pinipilahan para lang matikman tulad ng mga Korean barbeque o samgupsal restaurant. Pero di tulad ng ibang Asian cuisine na sikat sa mundo, bakit nga ba tila napag-iiwanan ang lutong Pinoy? Mabuti na lang at may mga Pilipinong  patuloy ang pagpapasarap sa pagkaing sariling atin, saan mang sulok sila ng mundo.

 


Minana pa natin ang pagkaing ito sa mga Kastila at hanggang ngayon undefeated superstar pa rin ito sa bawat handaan. Noong 2008, tinawag na “best pig, ever” ng international culinary writer at chef na si Anthony Bourdain ang Cebu lechon.

 


 


Dito sa La Loma, ang mahigit dalawampung lechon, kayang maibenta sa isang araw dahil sa sipag ng walumpung taong gulang na si nanay Corazon delos Reyes. Ang pamilya nila ang isa sa mga naunang lechonero sa La Loma.

 


 


Pero ang lechong Pinoy, nakarating na rin sa iba’t-ibang mga bansa. Ang pamilya Mahusay, naglakas loob na ipakilala noong 1991 ang lechon sa Australia. May kumagat naman kayang mga Australyano?

 


 


Kung isa kang Pilipino na nasa ibang bansa at nami-miss mo na ang ating pagkain, huwag mag-alala dahil nasaan ka man, tiyak na mayroong pinoy food restaurant sa inyong lugar. Mapa street food man sa New York o kaya naman ay turo-turo style karinderia sa United Kingdom!

 

KALSADA WARS

 


 

 

Sa isang videong, makikita ang sapakan at hampasan ng baseball bat ng dalawang rider ng motorsiklo at driver ng kotse sa Quezon city. May traffic enforcer na pinipilit umawat, pero tuloy pa rin sila sa pag-aaway.

Ano ang dahilan ng kanilang alitan? Siniyasat iyan ng Reporter’s Notebook.

 

 

Habang bumibiyahe naman ang isang jeepney driver na ito, isang taxi driver ang kanyang nakagirian. Nauwi ito sa murahan, sakitan at paluan ng bakal. Ang mga pasahero, nabalot na rin ng takot. Sino ang may kasalanan sa  insidenteng ito?

Paano nga ba maiiwasan ang road rage o gulo sa kalsada?

Abangan ang kuwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong araw Linggo, March 6, 2022 9:15pm sa GTV.