Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Midnight foodtrip' at 'Giyera sa kalsada,' ngayong Linggo sa Reporter's Notebook


 


2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST

MIDNIGHT FOODTRIP

MARCH 20, 2022 / LINGGO / 9:15PM SA GTV

 

 

Paglubog ng araw, isang nakakatakam na mundo ang nabubuhay sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Dahil abot-kaya, dito ngayon dumadayo ang mga nagtrabaho ng buong araw. Pero sa taas ng presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin, paano pinagkakasya ang kita ng mga maliliit na negosyo pati na rin ang mga apektadong manggagawa?

 


 


Nakakatanggal rin daw ng pagod ang mainit na sabaw ng ramen on wheels na ito dito sa Bulacan. Ang paborito ng mga suki ni Kenneth – ang kanilang chashu overload ramen. Dahil on wheels ang negosyong ito, ramdam na ramdam rin daw nina Kenneth ang epekto ng pagtaas ng gasolina

 


 


Alas onse na ng gabi dito sa San Jose del Monte, Bulacan, mahaba pa rin ang pila sa paresan na ito.  Ang must try nila rito ay ang kanilang bagnet pares.

 


 

 

Karamihan sa kanilang customers – mga driver at rider na galing sa pasada. Tulad ng jeepney driver na si Mang Victor Degina.  Pasok daw ito sa budget niya lalo na ngayong bumababa  ang naiuuwi niyang kita sa pamamasada.

 

GIYERA SA KALSADA

MARCH 20, 2022 / LINGGO / 9:15PM SA GTV

 


 


Sa isang video, makikitang halos magliyab ang kalsadang ito sa Malabon dahil sa mga nagliparang molotov cocktail o mga boteng may gasolina. Nagaganap na pala ang riot ng dalawang magkalabang grupo. Ang mga sangkot dito, mga menor de edad. Ano nga ba ang puno’t dulo ng kaguluhang ito?

 


 


Sa video namang ito, makikita na habang nasa gitna ng isang gang war ang ilang kabataan, bigla bumagsak ang isang labing-apat na taong gulang na itatago naming sa pangalang JV. Kahit nakahiga na, pinagpapalo at binugbog pa rin siya ng kabilang grupo. Makaligtas kaya siya sa gulo? Paano mapipigilan ang gang war sa kamaynilaan?

Abangan ang mga kwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong araw Linggo, March 20, 2022 9:15pm sa GTV.