ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Car Crashes and QC's "Little Tondo"


Episode on July 15, 2010 Thursday after Saksi! Oras na ng totoong drama at aksyon sa Rescue! Anong gagawin mo sakaling tumilapon sa tulay ang minamaneho mong sasakyan? Saksihan ang ginawang pag-responde ng isang rescue team para sa mag-amang ito ang sinapit sa SCTEX. Maligtas kaya sila mula sa bingit ng kamatayan? Samantala sa C5 road, duguan naman ang driver ng isang tumaob na dump truck. At dahil sa kumalat na buhanging nakakarga sa truck, sumemplang ang sinasakyang motor ng isang papauwi na sanang mag-asawa. Abangan ang ginawang magkasunod na pagtulong ng Ugong rescue team sa kanila! Mga masasamang loob naman ang binantayan ng mga tanod sa Barangay Batasan Hills, ang tinaguriang “little tondo" ng Quezon City. At sa ginawa nilang pag-ronda isang gabi, nakahuli sila ng mga kabataang nagbibitbit ng baril, panaksak at marijuana! Abangan ang mga kwentong ‘yan kasama si Arnold Clavio sa RESCUE! Ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!