ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Hit-and-run incident sa Rescue
RESCUE Airing date: March 1, 2012
HIT AND RUN
Isang 50 anyos na lalaki, nasagasaan sa Quirino Highway Novaliches!
Sa lakas ng pagkakabundol, tumalsik sa kabilang lane ang biktima at muli pang nasagasaan.
Ang mas masaklap, ayon sa mga saksi, kumaripas palayo ang sasakyang nakabundol sa biktima!
Nagkaroon din ng komosyon nang wala pang rumerespondeng rescue team at dumating ang ina ng biktima.
Mailigtas pa kaya siya sa bingit ng kamatayan? Managot kaya ang maysala?
RONDA KALSADA
Dobleng peligro ang hinaharap ng mga walang maayos na tirahan. Lalo pa ang mga pamilyang nakatira sa kalsada!
Kaya naman wala nang pinalampas na segundo ang mga babaeng tanod ng Barangay South Triangle… agad rumonda sa kalsada para mabigyan ng maayos na silungan ang mga street dwellers.
Ang problema, nagmatigas ang ilan sa mga pamilya na nagdulot ng komosyon sa kalsada.
Maging hudyat na kaya ito ng paglaya nila sa peligrosong kalye?
Abangan ang mga kuwentong ‘yan kasama si Arnold Clavio sa RESCUE! Ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!
Tags: plug
More Videos
Most Popular