ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga kaso ng karahasan sa kababaihan sa 'Rescue'
RESCUE Karahasan sa Kababaihan Airing Date: August 16, 2012 Dalawang kaso ng umano’y pang-aabuso sa babae ang nirespondehan ng Barangay 128 Zone 10 sa Tondo. Isang ginang na binugbog daw ng kanyang mister dahil sa kalasingan. Nang matanggap ng barangay ang report, agad ipinatawag ang umano’y nanakit na lalaki. Ayon sa sumbong ng kanyang asawa, nakatikim siya ng pananakit dahil sa kawalan ng ulam sa kanilang bahay at pinagbintangan din siya umanong nagnakaw ng isang libong piso. Tumangging sumama ang itinuturong salarin dahil away mag-asawa lang daw ito na kaya pa nilang ayusin. Pinagbigyan ng mga tauhan ng barangay ang kaniyag hiling, pero maya-maya pa, panibagong tawag ang natanggap nila. Muli na naman daw sinaktan ni mister ang kanyang misis. Sinubukan pang habulin ang lalaking agad sumakay ng kuliglig pero nabigo sila. Sa bahay, tumambad ang duguang noo babae at ilang pasa sa mukha at braso. Maparusahan pa kaya ang itinuturong may gawa ng pang-aabuso? Samantala isang kaso naman ng attempted rape ang idinulog ng isang babae sa parehong barangay. Ayon sa kanya, sinubukang siyang pagsamantalahan ng kanilang kapitbahay. Ang itinuturong may gawa ng pananamantala, dumiretso sa tanggapan ng barangay, hindi para umamin sa ginawang kasalanan kundi para ipagtanggol ang kanyang sarili. Labag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children ang ganitong mga pang-aabuso sa kababaihan, pero bakit nga ba patuloy pa rin itong nangyayari? Paano hinaharap ng mga kawani ng barangay ang ganitong mga kaso para mabigyang hustisya ang mga biktima oras na mapatunayang nagkasala ang mga salarin? Huwag palalampasin ang Karahasan sa Kababaihan sa RESCUE kasama si Arnold Clavio ngayong Huwebes (August 16, 2012) ng gabi pagkatapos ng Saksi! Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!
More Videos
Most Popular