ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biglaang panganganak sa mga pampublikong sasakyan, sinuri ng 'Rescue'


Rescue Panganganak sa Pampublikong Lugar Airing Date: January 31, 2013   Rescue Panganganak sa mga sasakyan Paano nga ba kung abutan ng paghilab ng tiyan at pangaganak sa mga hindi inaasahang lugar tulad ng pampublikong sasakyan? Alamin ang mga dapat gawin at panoorin ang kuwento ng mga taong nakaranas nito. Isang sanggol ang ipinanganak sa Light Rail Transit o LRT. Papunta na raw sana ang ginang sa Fabella Hospital pero sa tren na siya mismo inabutan ng paghilab ng tiyan. Ligtas namang naisugod sa Philippine General Hospital ang mag-ina. Mula taong 2000, tinatayang nasa labing-apat na sanggol na ang ipinanganak sa LRT line 1, walo sa platform at anim sa umaandar na tren.  Bukod sa LRT, naging laman na rin ng balita ang ilang batang ipinanganak sa eroplano at taxi, maging ang isang insidente ng panganak sa tricycle na nakuhanan mismo ng RESCUE. Bukod sa sasakyan, tunghayan din ang kabayanihang ipinakita ng isang civilian investigator na nagpaanak ng isang ginang sa himpilan ng pulis.    Huwag palalampasin ang "Panganganak sa Pampublikong Lugar" sa RESCUE kasama si Arnold Clavio.  Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!