Pambansang Bae Alden Richards, mapapanood sa 'Road Trip'

Ang ‘Pambansang Bae’ na si Alden Richards, makiki Road Trip kasama ang ilan sa kanyang kaibigan sa showbiz. 'Yan ang komedyanteng si Divine Tetay, ang DJ/host na si Sam YG, at ang pretty Kapuso na si Bea Binene. Saan kaya pupunta ang tropa? Clue…’Di kalayuan sa Maynila, maganda ang tanawin, at hindi lang masarap mamasyal, yummy pa raw ang bulalo rito! #AlamNa… sa Tagaytay!

Pahinga raw muna sa pagpapakilig si Alden, bonding moment naman kasama ang kanyang malalapit na kaibigan. Susugod sila sa isang theme park para magkasubukan ng tapang sa rides nito, sasabak din sila sa wakeboarding at siyempre hindi mawawala ang pinakahihintay na food trip ng barkada!
Kaya hanapin na ang inyong 'Happy Place To Heal Your Hugot', kasama sina Alden, Tetay, Sam at Bea sa Road Trip ngayong Linggo, 5:00pm, sa GMA Network!