Korean Fairytale ng isang Pilipina, tampok sa 'Tadhana'

TADHANA presents
MY KOREAN FAIRY TALE
April 28, 2018
Sabado 3:15pm
GMA 7
Once upon a time, may isang factory worker na nangarap magkaroon ng boyfriend ala Joong Ki at Lee Min Ho.
Siya si Kristel na talaga namang kinain na ng sistema ng K-Drama dahil bawat pangungusap niya, sa finger hearts nagtatapos. Bukod din sa pagkain ng bibimbap, kimchi, at chapchae, bukang-bibig din na niya ang annyeonghaseyo atsaranghae.
At sa tila kumpas ng isang fairy godmother, pinagtagpo si Kristel at ang kanyang oppa prince charming sa katauhan ni Kim Ji Hoo sa Korean garments factory na pinagtatrabahuhan nila. Lakas maka-prinsesa dahil ang mala-Koreanobelang love story nila, sa kasalan nga ba mapupunta?
Pero tulad ng ibang fairy tale, may wicked witch at evil step sisters din ang kuwento nila. Sa pagdating kasi ng kaniyang jagiya sa South Korea, may mga kapatid at biyenang magpapahirap pala sa kanya. Ano ang naghihintay sa love story nilang hindi lang pala mala-Koreanobela, mala-Cinderella pa? Happily ever after pa rin kaya ang ending nila?
Ngayong Sabado, tunghayan ang kuwento ng isang Pinay OFW at ang kanyang mala-fairy tale love story na pagbibidahan ni Kim Domingo kasama si South Korean singer Yohan Hwang. Makakasama rin nila sina Jinri Park, Dasuri Choi, Madeleine Nicolas, Sunshine Teodoro, Rino Marco, Jacob Briz, at Prince Clemente. Kaya kung ayaw maisumpa, insert finger heart, hindi mo palalagpasin ang #TadhanaMyKoreanFairyTale ngayong Sabado 3:15pm pagkatapos ng Contessa sa GMA 7!